Chapter 42 - Usapang lalaki

2.2K 100 0
                                    

Nang mga sumunod na araw, maayos ang naging pagsasama ni RJ at Maine, parehong nagaadjust pero  natututo silang magcompromise at kahit kelan hindi nila naging issue si Rickey o si Gara man.  Maganda ang set-up nila.   Noong una medyo naiilang si Rickey kay Maine  pero hindi naglaon nakasundo naman ito ni Maine lalo na kapag napapagalitan ito ng Ama.  Si Maine ang nagpapaliwanag dito at nagiging kakampi nito.

Katulad ng hapon na yon.  Mainit ang ulo ni RJ dahil sa trabaho, pagdating nito sa condo niyayaya ni RJ na magswimming pero tumanggi ito.

RIckey:  Papa, nagpromise ka po sa akin na magsuswimming tayo today eh.

RJ:  Rickey some other time. 

Rickey:  But you promised.  Sabi ni Mama, you don't promise anything that you don't keep. Hindi naman pala totoo yon.

RJ:  RICARDO MALINAO, WHEN I SAY NO, IT'S NO!  BAKIT BA ANG KULIT MO?!

Rickey:  Eh sana po hindi ka nagpromise!

Tumalikod ang bata at nagpunta sa kwarto.

Maine:  Alam mo may point yung bata.

RJ:  Maine,  marami akong iniisip na problema. wala ako sa mood.

Maine:  Kasalanan ba ng anak mo yang mga problema mo at sya ang kailangan magsuffer? Nagpromise ka syempre umasa yung bata.  Ang agang nagpahatid dito ginawa ang lahat ng assignment niya para daw mamaya wala na siyang gagawin dahil magsuswimming kayo.

Pinuntahan ni Maine si Rickey.

Maine:  Baby ok lang ba na si Mommy Maine na lang ang sumama sa yo sa pool?  Marami kasing problema si Papa sa work eh. Wala sa mood eh.  Pasensya ka na kay Papa ha.

RIckey:  Ok lang po Mommy, its just that Papa promised na tuturuan niya akong magswim.

Maine:  Ganito na lang punta na tayo sa pool para magswim, ako muna magtuturo sa yo.  Kasi kapag naiinggit si Papa mo susunod yon.

Ngumiti si Rickey.  Kinuha ang knapsack niya sa cabinet.

Rickey:  Mommy, magbihis ka na po hintayin po kita sa labas.

Lumabas ito ng kwarto, yumuko ito ng makita si RJ sa salas at nakatingin sa laptop niya. Tahimik na dumaan sa harap niya si Rickey hindi tumitingin sinundan lang ng tingin ni RJ. Naupo ito sa silya sa veranda bitbit ang knapsack.  Napailing na lang si RJ, naisip niya, "manang mana sa ina, kapag galit silent treatment ang inaabot ko."

Lumabas si Maine ng naka swimsuit at shorts.  Bitbit ang towel, goggles at swimming board ni Rickey.

Maine:  We will be at the pool if you need us.

RJ:  Ok, thanks Bes!

Nilingon ni RJ ang anak, inabangan na magpaalam ito pero deadma siya.

Rickey:  Let's go Mommy, alam mo po may ipinakita sa akin si Mama na video sa youtube.  Ano ba yon exercise ng hinga.

Maine:  Ah, breathing exercise.  Sige pagdating natin sa pool tignan natin para mapractice mo.

Tinanaw na lang niya ang dalawa at malungkot na tinapos ang ginagawa niya. Makalipas ang isang oras natapos na din ang pinoproblema niya. Sumandal sa couch at pumikit.  Tumingin sa relo alas sinko ng hapon. Naisip niya "hindi niya kabisado si Rickey hanggang kailan kaya ito magtatampo sa kanya?  Kung kaugali ito ng Ina malamang hindi siya papansin nito hanggang hindi niya tinutupad ang pangako niya."

Nagmamadali siyang nagbihis ng sando at swimming shorts nagbitbit ng towel at nagpunta sa pool. Nagbitbit na din siya ng pringles, lays at tatlong bottled water pang peace offering.  Malayo pa nakita na ni Rickey ang ama na palapit sa pool pero hindi niya ito pinansin.  Nakita ni Maine yon, natawa ito. 

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon