Chapter 52 - Pagkalinga

2.3K 102 1
                                    

Naging maselan nga ang pagbubuntis ni Maine.  Kaunting mapagod ito ay sumasakit ang balakang, kaya't kinailangan niya talagang magbed rest.   Pero hindi naman ito maselan sa pagkain, walang ibang pinaglilihian kung hindi nilagang japanese corn na pinahiran ng butter. Tuwang-tuwa naman si RJ at Rickey at magkatulong nilang inaalagaan si Maine.   Halos hindi pakilusin ni RJ si Maine.  Katulad ng minsang nanonood sila ng cartoons at tumayo si Maine.

RJ:  Bes, san ka pupunta?

Maine:  Kukuha ng inumin, nauuhaw ako eh.

RJ:  Huwag na ikukuha ka na lang namin.

Rickey:  Mommy ako na po, hindi po pwede yung malamig na malamig di ba baka malamigan si Baby.  

Maine:  Ricardo naman, ang lapit lapit ng kusina eh. Kaya ko naman yung bata pa ang kukuha mamaya mabitawan pa ang baso.

Rickey:  Mommy, don't worry po maingat naman ako.  Wag ka na pong magalit, baka maramdaman ni Baby maglilikot na naman yan, sasakit na naman po ang tyan mo.

Naiiling na lang si Maine na naupo at ininom ang tubig na iniabot ni Rickey.

Maine:  Ikaw talaga, hindi ka ba napapagod sa pagaalaga sa amin ni Baby? 

Rickey:  Hindi po Mommy, siguro po kapag lumabas na si Baby tapos bubuhatin na yun po nakakapagod kasi kung healthy si Baby ibig sabihin mabigat po siya.

Maine:  Pero Rickey hindi mo pa pwedeng buhatin si Baby paglabas niya masyado pang maliit yon.

Rickey:  Opo Mommy, ipapatong lang po siya sa unan para pwede ko siyang alagaan. Kapag mga 4 months po Mommy pwede na di ba?

Maine:  Tama, pano mo nalaman yon?

Rickey:  Kwento po kasi ni Mama, noong baby pa po ako ganon ako binubuhat ng Lolo Tatay nakalagay sa ibabaw ng unan kasi po maliit pa ako pero nung 4 months na ako nabubuhat na po niya ako kasi daw po mataba at malaki ako.  O kaya po, kapag nasa crib yun po nilalaro ako ni Lolo.

Nakangiting nakikinig lang si RJ.

Rickey:  Si Mama at si Daddy kaya kailan magkakababy?

RJ:  Hay naku Rickey, kapag naikasal na si Mama at si Daddy mo tsaka mo na isipin yan dahil sigurado akong hindi papayag si Mama mo na magkababy ng hindi pa sila ikinakasal.

Rickey:  Eh Papa bakit kayo ni Mama hindi naman ikinasal?

RJ:  Bata pa kasi kami noon, hindi nagiisip basta ang mahalaga lang sa amin mahal namin ang isa't isa pero kapag tumatanda ka matututunan mo na mali pala yon.  Kaya ikaw kapag malaki ka na kailangan ikasal ka muna bago ka pwedeng magkababy.

Rickey:  Opo Papa, tsaka 27 na ako non Papa, katulad ninyo ni Daddy may work na ako. Tapos magiipon para pambili ng ring, tapos pampakasal pa ang dami namang gastos Papa.

Nagtawanan sila Maine at RJ.

RJ:  Tama kaya dapat maraming-marami kang pera bago ka magasawa.

Rickey:  Katulad po ni Mama at Daddy, nagwo-work sa Italy para mas maraming sweldo at madaling dumami ang pera?

Maine:  Tama, at katulad ni Papa mo, naging magaling na Piloto siya at nagipon.

Rickey:  Don't worry Mommy, promise I will be like Papa ang Daddy.

RJ:  That's my boy!

Ginulo ni RJ ang buhok ng anak at niyakap.

RJ:  Dapat kasing bait ka din ni Mama, mahilig tumulong, may prinsipyo at marunong magpahalaga sa mga simpleng bagay sa buhay.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon