Chapter 2 - Ang pagbalik sa nakaraan

3.7K 144 2
                                    



Nang weekend na yon hindi lang si Gerald ang sumama kay RJ para puntahan ang dating tahanan ni Gara kung hindi pati si Sam at Ryan. Maagang umalis ang magkakaibigan lulan ng kotse ni RJ na minamaneho ni Mang Julio.

Sam: Teka nga bro bakit may driver ka pa saan ba nakatira si Gara?

RJ: Sa Bulacan at si Mang Julio ang matagal na naming driver, siya ang nagdadrive sa akin palagi kapag dumadalaw ako sa kanila. Tsaka gusto din niyang makita si Gara, isa si Mang Julio sa natulungan ng mabuting puso ni Gara.

Gerald: Teka muna hindi ba sa Laguna ka naghigh school papanong nangyari na taga Bulacan si Gara at ikaw sa Laguna at magkaklase kayo?

RJ: Ang Tatay ni Gara taga Bulacan talaga ang Nanay naman niya ang taga Laguna. Nang makapagasawang lahat ang kapatid ng Nanay nila. Silang magkakapatid na ang nanirahan sa laguna kasama ng Lola nila. Kagagraduate lang ng high school ng mamatay ang Lola nila at umuwi na sila ng Bulacan.

Mang Julio: Hindi ko makakalimutan ang batang yon habang ako'y nabubuhay. Hindi ako makakapagmaneho ulit kung hindi dahil sa kanya.

Sam: Bakit ho, ano hong ginawa niya.

Mang Julio: Nagmamaneho ako ng isang private van na ginawang school bus ng mga bata, nasa tapat ako ng eskwelahan nila ng mahagip ako ng isang humaharurot na truck. Hit and run, nakita ni Gara ang nangyari, bago lumiko ang truck sa dulo ng kalsada nakuha ni Gara ang plate number nito. Tinawag niya ang kapatid at gamit ang Van na minamaneho ko dinala nila ako sa pinakamalapit na hospital. Nagtungo sa pulisya ang magkapatid kasama ang mga magulang nito at inireport ang pangyayari. Kilala sa Laguna ang pamilya ng Lola ni Gara pati na ng kapulisan. Naitimbre agad ang plate number ng truck at nahuli ang bumundol sa akin. Araw-araw akong dinadalaw ni Gara, kinumbinsi akong maghain ng kaso para magbayad ang may kasalanan. Nang mabalitaan ni Gara na itinatanggi ng lalaki ang nagawa niya isinama niya ang mga kaklase na nakakita sa pangyayari at pinuntahan ang driver ng truck sa prisinto. Nang makita ng driver si Gara namutla ito kaya naniwala ang mga pulis na nakilala ito ng driver pero pilit pa ring itinanggi ng driver. And sabi ni Gara, "hindi ako titigil, sisiguraduhin kong mabubulok ka diyan kapag hindi mo pinanagutan ang ginawa mo. Sinabi ni Gara na handa siyang maging witness para sa akin at gumawa ng nilagdaang salaysay si Gara. Tugma naman ang inilahad nito sa nakalap na video ng CCTV, nagsunuran na sa paglalahad ang mga estudyanteng kasama nila, naidentify ng pulis ang mga ito mula sa video kaya't walang duda na nagsasabi ang mga ito ng totoo. Hindi na nakapaglahad ang lahat dahil nasa pangapat na estudyante pa lang bumigay na ang driver at nakiusap na huwag ng maghain ng demanda at sasagutin niya ang lahat ng gastos sa pagpapagamot at pagpapaopera ko ng paa ko.

Gerald: Mabait pala talaga siya.

Mang Julio: sa idad na katorse para walang takot kang tumestigo para sa iba, isa siyang matapang na tao at may prinsipyo, ipaglalaban ang alam niyang tama. Kaya din ako naging driver ni RJ dahil sa kanya.

RJ: Oo, yung naikwento ko sa inyo kahapon? Hindi na ako nagkaron ng pagkakataong makapagpasalamat sa kanya. Dahil nga type casted ako as bad boy nakakahiyang makita na kinakausap ko ang isang nerd at good girl na katulad niya. Nagkaron ako ng pagkakataon ng malate akong sunduin ni Tatay at siya naman hinihintay niyang bumalik ang mga kuya niya galing sa isang game. Nakita ko siyang nakaupo sa bench na malapit sa gate. Dahil nakauwi ng lahat ng tropa ko nakalapit ako sa kanya ng hindi nagalala. Tumayo ako sa tapat niya sabi ko, "Malinao, salamat sa tulong mo at ng mga kuya mo ha." Tumingin siya sa akin sandali at muling ibinalik ang tingin sa librong binabasa at sinabi. "Ok lang ginawa ko lang kung ano ang sa palagay ko ay tama." Sa kagustuhan kong pasalamatan talaga siya sabi ko, "Gusto kong bumawi sa iyo. Treat kita lunch bukas." Sumagot siya, "huwag na, ok na yon. Sa susunod magiingat ka, hindi lahat ng babae pwede mong paglaruan." Syempre gusto ko naman idepensa ang sarili ko sabi ko, "hindi naman ako ang lumalapit sa kanila." Sagot nya, "pero pwede kang umiwas, anyway buhay mo yan wala akong pakialam.  Kung talagang gusto mong bumawi sa akin, gumawa ka ng mabuti sa iba." Lumipas ang ilang linggo, nagulat ako ng lumapit siya sa akin na kasama ko ang tropa ko. "Faulkerson, pwede ba kitang makausap?" Lumapit naman ako at tahimik lang na nakinig sa kanya, "Nakabawi ka na ba sa akin? Kung hindi pa, may chance ka na. Hindi ba sabi mo kay Julius kahapon naghahanap kayo ng driver?" Tumango ako, "puntahan mo ang address na ito, kapag naipasok mo si Mang Julio bilang driver, quits na tayo."

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon