Chapter 61 - New Beginnings

1.9K 87 4
                                    

Mabilis namang naidispose ang mga furnitures sa mga kamaganak at malalapit na kaibigan pa lang  halos maubos na. Hindi na nila kinailangang mag-garage sale. Yung pinagbilhan ng mga ito ang gagamitin din nila na pambili ng mga bagong furnitures.

Isang araw sinamahan ni Gara si Maine at ang kaibigan nitong designer sa warehouse nila Josh. Masaya naman silang tinulungan nito na pumili ng mga furnitures na magaganda pero mura. Nakapili naman si Maine ng sala set, dining set, beds, coffee table, dresser at kung ano- ano pa.

Tuwang tuwa si Josh sa dami ng binili ni Maine.   Bumulong ito kay Gara, "may ipapadeliver ako sa bahay mo in a couple of days."

Pagdating ng weekend, naideliver na ang mga furnitures nila RJ, dumaan ang delivery truck sa bahay nila Gara at idineliver ng mga ito ang isang dark wooden sala set.  Ipinaayos niya ito sa living room at bumagay nga ito doon. Pinakiusapan niya ang nagdeliver na dalhin sa bakanteng kwarto sa itaas ang  dating sala set na nasa living room.  Inayos yon ni Gara para maging study room nila Rickey at Paolo.

Bandang alas sinko ng hapon dumating doon si RJ at Maine.

Gara:  Kamusta na ang bahay?

Maine:  Sis, ang ganda, grabe!  Thanks talaga.

RJ:  Ililipat na lang ang mga gamit namin pwede na. Baka next week magpa-blessing na kami.

Gara: Masaya yan.

Dumating ang araw ng blessing. Imbitado ang mga pamilya nila kaya dumating doon si Mama Precy, Papa Mark, Daddy Rick at Ryzza.  Pati na ang malalapit na kaibigan.  Dumating si Andrew at Gara kasama si Paolo at Rickey.

RJ:  Oh bakit kayo lang nasan sila Tatay at Nanay.

Gara: Masama ang pakiramdam ni Nanay eh.  Pero ipinasasabi niya Congrats daw at huwag kang mahiyang tumakbo sa kanila kapag may kailangan ka.

Matapos magcut ng ribbon, basbasan ang buong bahay, nagpaagaw  ng barya sila RJ at Maine.  At binasagan ni Andrew ng bote ng alak and haligi nito.  Pagkatapos nagkainan na. Ipinakita ni RJ at Maine ang kabuuan ng  bungalow nila.

 Ipinakita ni RJ at Maine ang kabuuan ng  bungalow nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maganda ang buong kabahayan.  Tuwang tuwa si Gara sa kids room.  Matapos maglibot naupo sila sa living room kung saan nandon si Mama Precy at Papa Mark.  Habang nilalaro ni Rickey at Paolo si Raine.

Mama Precy:  Kamusta ang Tatay at Nanay mo Hija.

Gara:  Mabuti naman ho, masama lang ho ang pakiramdam ni Nanay. Baka po dahil sa init.

Papa Mark:  Ikamusta mo na lang kami sa kanya.

Gara:  Hayaan ninyo at sasabihin ko.

Makalipas ang ilang oras, nagpaalam na ang kanilang mga kaibigan pati na sila Papa Mark at Mama Precy.  Naiwan si Gara at Maine sa kusina na nagliligpit.

Maine:  Sis, maguwi ka na lang ng mga ulam para kila Tatay at Nanay at sa inyo na rin.  Ang dami pang natira baka isang linggo naming ulamin yang mga yan.  Eto oh, maglagay na tayo sa mga disposable na baunan. Halos tigtatatlong baunan pa ang natira sa lasagna, beef brocoli, fish fillet, pork mechado at chopsuey. 

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon