Chapter 50 - Pagtuklas sa nakaraan

2K 85 1
                                    

Gabi na ng bumalik sa condo si RJ, dinatnan niya doon si Marco at Taki.

RJ:  Hi Taki! Marco thanks sa pagpunta ha.

Taki:  Hi Kuya!

Marco:  Wala yon Kuya, mabuti ako ang tinawagan mo.

RJ:  Kamusta na siya? 

Marco:  Nakatulog na.  Tinawagan ko si Doctor at nagpunta naman siya Dito. They had a one hour session.  Nung matapos sila.  Ayun na iyak na ng iyak at hinahanap ka.  Sinabihan ng Doctor na mas makakabuting magpahinga muna siya bago kayo magusap ulit kaya tumahimik naman.  San ka galing Kuya?  Ok ka lang ba?  Binato ka daw ni Ate?

RJ:  Galing ako sa inyo sa Laguna. Kinausap ko sila Mama, nagpakwento ako para maintindihan ko lalo ang Ate mo at makahanap ako ng paraan para tuluyan siyang gumaling.

Marco:  Kamusta si Ate Gara?   Naawa ako sa kanya eh, wala naman siyang ginawang mali kay Ate Maine eh  tsaka ikaw.

RJ:  Huwag kang magalala, wala namang alam si Gara. Hindi din naman nagpapakita ng kahit anong selos or galit si Ate mo sa kanya eh.  Marco, may nasabi ba sa yo si Ate Maine mo tungkol sa totoong magulang niya.  Kahit minsan ba, nabanggit niya sa yo na gusto niyang makilala ang mga ito?

Marco:  Ang totoo kuya, may ilang pagkakataon na tinanong niya ako, kung sakali daw kayang sa mga magulang niya siya lumaki, magiging ganyan pa din daw kaya siya?  Pero hindi niya sinisi kahit kailan si Mama sa nangyayari sa kanya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong gusto niya silang makilala lalo na ng malaman niyang may kapatid siyang babae.  Sabi din ng Doctor noon malaking posibilidad na makatulong kapag nakilala niya ang mga ito.  Kasi sa ngayon daw, dahil alam ni Ate na ampon lang siya may fear siya na  hindi siya talagang mahal nila Mama at Papa.  Kung makikilala niya ang tunay na magulang niya magiging secure siya dahil sila ang totoong magulang at nandyan ang totoong mga nagmamahal sa kanya.

RJ:  Yun din ang iniisip ko eh.  Pero dead end tayo sa  mga information tungkol sa tunay na magulang niya eh.  Pero gusto ko pa ring subukan.  Sabi ni Mama, ilang beses na daw silang nagpunta sa Bulacan kung saan niya nakilala ang mga magulang ni Maine.  Kasama ka ba kapag pumupunta sila?  Alam mo ba yung lugar?

Marco:  Oo kuya natatandaan ko pa.

RJ:  Pwede mo kaya akong samahan this weekend?  Gusto kong subukang puntahan eh.

Marco:  Sige Kuya wala naman kaming trabaho ngayong weekend.  Oo nga pala Kuya, iuuwi ko muna si Ate bukas sa Laguna.  Tumawag si Mama, gusto niyang makausap si Ate eh.

RJ:  Sige, sunduin mo na lang siya dito, may maagang flight ako bukas eh pero sa Saturday ng umaga bumalik ka dito ha?  Ikaw na ang bahalang magsabi kila Mama kung saan tayo pupunta.

Marco:  Ok Kuya, pano uuwi na kami, ihahatid ko pa si Taki eh.

RJ:  Ok, salamat ulit. Taki salamat sa pagdamay kay Marco ha.

Taki:  Wala yon, sino pa ba naman ang magdadamayan syempre tayo tayo lang.

RJ:  Sige, Ingat kayo.

Pagalis nila Marco, ikinandado na ni RJ ang pinto.  Pumasok sa kwarto at sinilip ang asawa. Naupo siya sa kama, pinagmasdan si Maine.  Magang-maga ang mata nito.  Hinaplos niya ang pisngi at buhok ni Maine at napabuntunghininga na lang.  Nagpalit siya ng damit at nahiga na sa tabi ni Maine.  Bago ito matulog ay umusal ng isang dasal... "Panginoon tulungan at gabayan ninyo kami sa lahat nag pagdadaanan namin."

Kinabukasan bandang alas kwatro, nagising si RJ na nakayakap sa kanya si Maine at umiiyak. Hinapit niya ito palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon