Chapter 69 - #twining

2.2K 94 7
                                    

Nakaupo sa waiting area na malapit sa delivery room si RJ at Maine. Nakita ni RJ na hindi mapakali ang kamay ni Maine. Hinawakan niya ito.

RJ: Relax! Ngayon ka pa ba matatakot eh nandito na siya sa Hospital? Isa pa nadala mo nga siya dito ng magisa eh. I'm so proud of you babe.

Maine: Kasi naman bakit ba hindi kayo sumasagot sa tawag ko? Ang tagal nyo pang bumalik. nasan pala ang mga bata, baka walang kasama sa bahay.

RJ: Kalma babe, iniwan ko si Raine kila Nanay at Tatay tapos lumipat sila sa bahay nila Andrew para samahan yung dalawa.

Maine: Sabi nung Doctor her water bag broke eh bat ang tagal pang dalhin dito sa Delivery Room, umiiyak na si Gara kanina, hirap na hirap na, kawawa naman yung kapatid ko. Baka mamaya kung anong mangyari don. Bumalik kaya tayo sa ER babe, icheck lang natin.

RJ: Nandon si Andrew, hindi niya pababayaan si Gara. Kaya cool ka lang.

Napapangiti si RJ sa nakikitang inaasal ng asawa.

Maine: Ricardo pwede ba huwag mo akong tawanan! Manganganak ang kakambal ko at alam ko kung gaano kahirap manganak. Yung isang baby nga lang sobrang sakit na, yung dalawa pa kaya.

RJ: Hindi kita pinagtatawanan. Natutuwa ako sa yo. Magkaiba yon. I'm proud of you babe, bilib na bilib ako sa yo, dahil hindi mo pinabayaan si Gara.

Mayamaya dumadating ang isang stretcher na tulak ng dalawang Nurse, kasunod ang OB ni Gara at si Andrew na nakahospital gown. Huminto ito sa tapat nila.

Doctor: Andrew, dito muna kayo, iche-check lang namin kung clear ang table at ire-ready lang. Tumayo si RJ at Maine.

RJ: Ok ka lang?

Tinignan ni Gara si RJ tapos si Andrew na parang sinasabing kausapin mo siya. Nakuha naman agad ni RJ ang ibig nitong sabihin. Inakbayan si Andrew at nagkunwaring may sasabihin dito na ayaw niyang marinig ni Gara.

Hinawakan ni Gara ang kamay ni Maine, tumulo ang luha nito.

Gara: Natatakot ako hindi para sa akin kung hindi para kay Andrew at sa mga baby namin.

Maine: Wala kang dapat ikatakot, kaya mo yan. Healthy ka pati na ang mga baby ninyo.

Gara: Sis, wag mong pababayaan ang mga baby ko ha, ang pamilya ko. Kahit anong mangyari dapat magkasama silang lumaki.

Maine: Ano bang sinasabi mo, walang mangyayaring masama sa yo. Sabay nating palalakihin ang mga anak natin. Isa pa, ngayon lang tayo magkakasama, papayag ka bang iwanan ako? Lakasan mo ang loob mo Gara, please.

Niyakap ni Maine at hinalikan sa noon si Gara.

Maine: Mangako kang babalikan mo ako dito dahil hihintayin kita Sis!

Doctor: Andrew, we're ready for you, mauna ka ng pumasok para maibriefing kita.

Pumasok si Andrew sa loob ng delivery room. Lumapit si RJ kay Maine, inakbayan ito. Inabot niya ang kamay kay RJ.

RJ: Kaya mo yan, huwag kang umiyak Graciana, hindi bagay sa yo. Pang-comedy ka lang.

Lumabas ang dalawang Nurse para ipasok na si Gara sa loob. Binitiwan na ito ni Maine at tahimik na umupo. Nagulat si RJ ng humigpit ang hawak ni Gara sa kanya. Parang bumubulong ito inilapit ni RJ ang tenga sa bibig nito.

Pumikit si Gara at binitawan ang kamay ni RJ. Panandaliang hindi nakakilos si RJ. Napalingon siya kay Maine ng marinig niyang umiiyak ito.

RJ: Shhhh tahan na, wala kang dapat iyakan. Manganganak lang siya, malalampasan niya yon.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon