Chapter 20 - LQ?

2.1K 112 4
                                    

Kinimkim ni RJ ang sama ng loob kay Maine.  Pinilit niya unawain kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol kay Chris.  Makailang ulit niya itong itinaboy pero nagpilit itong mapalapit sa kanya.  At kung kailan nahulog na ang  loob niya dito at kung kailan natutunan na niya itong mahalin, tsaka niya malalaman ang tungkol sa lalaking yon.  Ang totoo isa lang si Gara sa  dahilan kung bakit ilag sa mga babae si RJ.  Kagustuhan ni RJ na maglagay ng harang sa pagitan niya at ng sino mang babaing  mapapalapit sa kanya una dahil gusto niyang tuparin ang pangakong binitawan niya sa kasintahan, pangalawa,  takot siyang masaktan.  Yung sakit na naramdaman niya noon ng mawala sa kanya si Gara ang ayaw na niyang maramdaman. Pero eto siya at nasasaktan na naman. 

Simula noon kapag niyaya ni Maine si RJ sa mga events ng dalaga nagdadahilan na ito na may flight. Totoo din naman kasing busy na siya. Muli kasi siyang nagapply para sa promotion. Kaya madalas na double leg siya araw-araw para mapabilis na matapos ang required na number of hours na kailangan niya para sa position na gusto niya. Kaya kahit na wala siyang flight, he is too tired to go with Maine.

Nalaman din kasi ni RJ na nasa Manila na si Chris para magstay for good. At ayaw niyang maging hadlang sa kung ano mang meron si Maine at Chris. Pero madalas pa ding magtext at tumawag si Maine para mangamusta. Si RJ naman laging nakikita sa dyaryo ang litrato ni Maine at Chris sa lifestyle pages. Mayaman ang pamilya ni Chris dito sa Pilipinas. Magaling na Fashion Designer ang kapatid nito, sikat na Businessman ang Ama at member ng mga high society organizations na nagcha-charity work ang Ina. At laging kasama sa mga event si Maine. Nasasaktan siya kapag nababasa niya ang mga article na ito pero wala siyang pinagsasabihan na kahit na sino. 

Hanggang isang araw ng sabado,  nasa condo unit ni RJ sila Sam, Ryan at Gerald at nagiinuman.

Sam:  Ayan ha tinabla ko si Patricia para sa yo bro.  Nagyaya pa namang magdisco.

Ryan:  Oo nga eh, dadalaw din sana ako kay Anne kaso tumawag ka kaya hindi na ako nagpunta.

RJ:  Sige sumbatan niyo ako.

Gerald:  Hindi naman sa ganon bro, we're just saying ganyan ka kahalaga sa amin kahit na madalas kang tumatanggi sa lakad ng barkada hindi ka pa din namin kayang tiisin. Ang sensitive mo ata this days.

RJ:  Okay lang naman na hindi ako nakakasama, nakukumpleto naman kayo at tsaka mukhang kung saan-saang high society event ko kayo nakikita eh.

Sam:  Oo nga eh, cool naman si Chris eh. Pero masyadong sosyal 

Ryan:  Mabait naman, hindi nga lang namin makasama sa mga simpleng lakaran.

Gerald:  Pero kapag nagyaya naman sagot niya lahat.  Sayang hindi ka nakakasama.  Tinatanong ka nga niya kay Maine eh wala namang masabi si Maine kung hindi busy ka sa work.

RJ:  Ganon ba, ikamusta niyo na lang ako sa kanila.  Busy naman talaga ako sa work.

Sam:  Mukha mo busy!  Oy kung sila naloloko mo kami hindi!

Gerald:  We checked your schedule, double leg ka everyday sa morning madalas bandang alas syete pa lang nakabalik ka na kaya kung gugustuhin mo makakasama ka sa amin.

RJ:  Eh anong gusto ninyo hindi na ako magpapahinga?

Ryan:  Two weekend ago naka restday ka, I checked. Niyaya ka ni Maine, ang sagot mo may flight ka.  Kaya nga kami nandito ngayon para kausapin ka eh.  May problema ka ba?

RJ:  Wala mga bro, busy lang talaga.  Umuwi ako non sa Laguna, tapos nagpunta sa Resto.

Sam:  Ulol, umayos ka nga Ricardo! Kilala kita!  Nagsimula kang magkaganyan pagkatapos ng birthday ni Maine.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon