Chapter 15 - Touched

2.2K 111 2
                                    

Nang gabing yon habang nagpapahinga si Rj, sumagi sa isip niya ang tagpo sa airport.  Yung nagulat siya ng makita si Maine sa simpleng kasuotan at itsura nito.   Natanong niya sa sarili, "Ano kaya yon, nagmamadali, natataranta sa pagaalala kaya hindi na nakuhang magayos? In fairness mas nagagandahan ako sa natural beauty niya. Tapos nung niyakap niya ako, ramdam ko ang sincere na pagaalala niya sa akin.  Hmmm, concerned ang self-centered na model. Bago yon ah."

Napangiti siya habang inaalala ang tagpong yon.  Matagal na panahon na din naman kasing walang ibang nagalala sa kanya kung hindi ang pamilya.  Naisip niya, "masarap din pala sa pakiramdam yung alam mong may nagaalala sa yo."

Kinuha niya ang celphone at nagtext kay Maine...

Captain RJ:  Bes, thanks sa concerned, touched ako.

Maine:  Sus, wala yon. 

Captain RJ:  Sabagay, ganon naman talaga ang magkakaibigan di ba

Maine: Right! :-) So kamusta ka naman?

Captain RJ:  Ok naman, lumiit na yung bukol at nababawasan na din sakit ng katawan.

Maine:  That's good.  Rest ka muna para makabawi ka.

Captain RJ:  I will, uuwi nga ako ng Laguna bukas kasi pinagforce leave ako ng office for two days para makapagpahinga tapos rest day ako this weekend kaya four days din akong makakapagrelax.

Maine:  That's good.  That's the least they could do for you for a job well done.

Captain RJ:  O sige na, pahinga ka na din. Salamat ulit.

Maine:  Wala yon. Sweet dreams and have a good rest.  Goodnight.

Halos 30 minutes na naghintay ng sagot si Maine pero wala na.  Naiinis nitong ibinaba ang cellphone sa bedside table. "Hmp! Hindi man lang naggoodnight."

Kinabukasan bumiyahe nga pauwi ng Sta. Rosa Laguna si RJ.  Nagulat si Daddy Rick ng dumating ang anak.  

Daddy Rick:  Oh, napauwi ka weekdays wala ka bang flights? Teka anong nangyari sa noo mo?

RJ:  Nauntog sa cockpit Dad, nagemergency landing kami eh.

Daddy Rick:  Ano?  Kailan?  Bakit hindi ka man lang nagpasabi?  Wala na bang masakit sa yo? Nagpacheck-up ka ba?

RJ:  Ayan Dad, dahil dyan.  Cool ka lang.  Ok lang ako. Alam kong magaalala ka kaya hindi na ako nagpasabi dito.  Wala naman masamang nangyari sa akin. Pinagpapahinga lang ako.

Daddy Rick:  Dyoskong bata ka. Papano kung meron eh di hindi naman malalaman.

RJ:  Hindi naman po, pero dahil ok naman ako kaya hindi na ako nagpasabi pa.  Sorry na Dad. Huwag ka ng magalit.

Daddy Rick:  Sa susunod magsasabi ka ha kahit pa walang nangyari sa yo.

RJ:  Opo. Nasan pala si Ryzza?

Daddy Rick:  Pumasok.  Bukas walang klase yon.

RJ:  Anong oras ho kaya siya uuwi?

Daddy Rick:  Pagkapananghali nandito na yon, bakit?

RJ:  Gusto ko ho kasing sa Tagaytay, magpahinga.  Mas masarap ang simoy ng hangin doon at ng madalaw ko na din yung resto.

Daddy Rick:  Naku, matutuwa yon kapag nalaman na isasama mo siya.

RJ:  Dad, pati ikaw kasama din.  Minsan na nga lang tayo makapagbonding eh.

Daddy Rick:  Saan naman tayo tutuloy don?

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon