Chapter 1 - Ang paglalahad

8.8K 176 3
                                    

Author's note:  As requested, this is the story of the other couple from my other story "My Soulmate"  Enjoy reading!

---------------

Isang lunes ng umaga sa Cebu Pacific Main Office, palabas si Flight Captain Sam ng marinig niya ang pamilyar na boses ng kaibigan.

RJ:   Thank you Sir! I will do my best.

OM:  You deserve it Commercial Flight Captain Faulkerson Jr. and I hope you find what you're looking for, am sure she'll be proud of you.

RJ:   I hope so too Sir! See you in the skies Sir!

Muntik na silang magkabunguan ng lalaking kasalubong niya dahil hindi nakatingin si RJ sa dinadaanan.

Sam:  Watch where you're going Captain Faulkerson Jr!

RJ:   I'm sorry Sir!

Pagtingin niya, sinuntok niya si Sam sa braso.

RJ:   Akala ko naman kung sino!

Sam:  Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Para kang lutang!

RJ:  Pasensya na bro, masaya lang kaya lutang.

Sam:  at bakit ka masaya?

RJ:  Well, you are looking at the new Commercial Flight Captain Richard Faulkerson Jr.

Sam:   Hayop ka talaga! Grabe ka bro! Two level up in one year. I don't know how you do it.

RJ:  Ganyan talaga pag inspired.

Sam:  Kanino at saan ka naman inspired?

RJ:  You know very well who.

Sam:  RJ, that's five years ago. How sure are you na makikita mo pa siya?!

RJ:  Alam mo ikaw, panira ka ng magandang mood ko. Lumayas ka na nga lang sa harap ko kung wala kang sasabihing maganda.

Sam:   Hanggang kailan mo siya hihintayin at hahanapin?

RJ:  Hanggang hindi ko nababasa sa Obituaries ang pangalan niya.

Sam:  Oh my God! You are hopeless.

RJ:   Ikaw ang hopeless, dahil hindi ka naniniwala sa pagmamahal at sa forever. Dyan ka na nga! You just ruined my day!

Sam:  Huy, ito naman napikon na. Sorry, pano mamaya painumin mo ako ah. Icelebrate natin yan.

RJ:  Matapos mong bwisitin ang araw ko may gana ka pang magpalibre? Kapal mo Samuel!

Sam:  Joke nga lang, basta mamaya dadaanan kita sa condo.

RJ: Bahala na, kapag sinipag ako. Dyan ka na nga!

Yan si RJ, Richard Faulkerson Jr. ang buo nyang pangalan. At the age of 25 isa ng Commercial Flight Captain. Successful na Piloto, gwapo, matalino, mabait pero single. Choice niya kasi ang maging single dahil hinahanap niya ang kaisa-isang babaing minahal niya at nagmahal sa kanya. At Si Flight Captain Sam ang isa sa malapit at makulit na kaibigan. Wala itong ginawa kung hindi ireto kung kani-kanino ang kaibigan niya pero sa loob ng dalawang taon kahit minsan hindi pa siya naging successful. Nagiging masungit kasi si RJ sa kahit na sinong makilala nitong babae. Kahit minsan hindi niya binigyan ang kahit na sinong babae ng pagkakataon na mapalapit sa kanya.

Dahil wala naman siyang flight dumerecho na ng uwi sa Condo niya si RJ. Sa ground floor lang ang unit niya at katabi ng unit niya ang unit ng kanyang close friend na isa ring Piloto si Gerald. Nadatnan niya itong nagwe-weights ng umagang yon sa harap ng unit nito.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon