Chapter 26 - Pagtatapat

2.2K 106 9
                                    

Friday ng gabi nagyaya si Ryan sa Group chat ng barkada na magbowling sa SM MOA.  Ang usapan alas dos ng hapon at sabi ni Ryan nagpareserve na daw siya.  Naisip ni RJ kailangang makausap na niya si  Maine  bago pa ito makausap ng mga barkada at mabanggit dito ang tungkol kay Gara.   Tinawagan niya ito.

Maine:  Hello...

RJ: Hi Bes!

Maine:  Hi to you too. Buti tumawag ka.  Sama tayo sa bowling bukas ha. 

RJ:  Oo sige, pero pwede bang samahan mo muna akong maglunch sa TGI Friday's yung nandon sa MOA bago tayo pumunta sa Bowling Center?

Maine:  Sure, would love to.

RJ:  Cool, I'll see you there then.

Maine:  Ok, see you.

RJ:  Thanks Bes!

Maine: No problem.

Naiirita si Maine pagkatapos nilang magusap. Akala kasi niya ide-date siya kaya siya niyayaya nito pero nang sabihin nitong magkita na lang sila don, alam niyang friendly lamon lang na naman ito at malamang na wala lang itong mayaya sa mga kaibigan kaya siya ang tinawagan.

Pero naisip ni Maine, "I'd rather have that than nothing at all."

Kinabukasan, maagang dumating si RJ at Gerald sa MOA. Sumabay sa kanya si Gerald dahil may lunch date sila ni Valeen. Nagikot-ikot muna sila, pagdating ni Valeen humiwalay na sila kay RJ at pumunta na si RJ sa TGI Fridays.  Kumakain na ng nachos at paubos na ang drinks ni RJ ng dumating si Maine.  Humalik ito sa pisngi niya at naupo sa tapat niya.

Maine:  Hey there!

RJ:  Glad you can come.

Maine:  Mukhang masaya ka ah, ang liwanag ng mukha mo eh at kung makasmile wagas! 

RJ:  Obvious ba masyado? Umorder muna tayo, gutom na ako eh. 

Tinawag niya ang waiter.

Maine:  So, what's up?  Bakit nga pala dito tayo?

RJ: Mahilig ka sa steaks di ba? When you are with your other friends dito kayo kumakain. I saw pictures. So, what will you have?

Maine:  Jack Daniel's Steak medium well please and a mojito 

RJ:   See you can even order without looking the menu, I will have  half rack ribs and  and shrimp and budweiser.

Maine:  Mukhang galante ang Bes ko ngayon  ah, may bonus ba? Oh promoted ka na naman.

RJ:  Hindi naman nakakaluwag lang, besides may binabagayan ang ganitong lugar tulad mo.  I want you to enjoy the food kaya dito kita niyaya besides matagal na din akong hindi nakakain dito eh.

Maine:  ang haba ng explanation, namiss mo lang yata ako eh.

RJ: Ikaw talaga, hindi ka pa rin nagbabago. You're still coming in strong. 

Tumawa si Maine.

Maine:  Sanay ka naman na sa akin eh.

RJ:  Oo naman, cute naman ang pagiging strong mo eh. Para kang espresso na nilagyan ng whisky.  That's how you are kaya tanggap ko yon.

Maine:  Gusto mo pala dito?

RJ:  Lahat naman kinakain ko and when there is good food, ok na sa akin yon.  But its not part of my regular routine na katulad mo. Normal lang sa yo kumain sa lugar na ganito.  Pero cool dito kasi nasa para siyang pinaghalong fine dining at fast food.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon