Chapter 18 - Unspoken

2K 129 3
                                    

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan naging mas malapit sa isa't isa si RJ at Maine. Hindi na naiilang si RJ na lumabas na si Maine lang ang kasama. At halatang-halata ang pagkagiliw nila sa isa't isa. Minsang nagkayayang magjogging ang tropa, matapos nilang maikot ng tatlong beses ang limang kalye ng subdivision nila Patricia, naunang nakarating ang mga boys sa harap ng bahay ni Patricia at kinakantyawan nila ang mga girls.

Sam: Ano na girls kaya pa ba? Pat bilisan mo!

Ryan: Anne, kaya mo yan, konti na lang!

Gerald: Wala pala kayo eh ang sesexy nyo dapat magaan ang mga katawan nyo eh... go girls!

RJ: konti na lang, malapit na kayo.

Sabay-sabay na nagtawanan ang apat.

Napahinto si Patricia sa pagtakbo.

Patricia: Why do I have a feeling na pinagtitripan tayo ng mga boys.

Maine: Pakiramdam ko din eh.

Anne: Ano, magpapasindak ba tayo?

Valeen: No way!

Maine: Let's get this done and over with.

Sabay-sabay na mabilis na tumakbo ang mga ito. Ilang hakbang hindi napansin ni Maine ang isang medyo malaking bato, natalisod ito at nadapa. Naitukod nito ang dalawang kamay sa kalsada at nagasgas.

RJ: Maine!

Napasigaw at napatakbo si RJ ng makita ang nangyari, nagulat naman ang mga babae ng makitang tumatakbo pasalubong sa kanila si RJ kasunod ang ibang boys. Huminto sila at nilingon si Maine. Nakita nilang pinipilit nitong tumayo.

RJ: Ok ka lang?

Maine: I'm alright, sige na girls go finish your run.

Tumayo si Maine ng maayos, inalalayan naman ito ni RJ sa braso.

RJ: May masakit ba sa yo?

Maine: besides my ego, wala naman. Konting scratch lang to tsaka tumama yung tuhod ko but I'll be fine.

Bago pa ito nakahakbang, binuhat na siya ni RJ sa harap nito.

Maine: Bes, ibaba mo na ako. Kaya ko namang maglakad eh.

Pero hindi siya pinansin nito, binuhat siya hanggang makapasok sila ng garden nila Patricia at iniupo sa garden set.

Patricia: Ok ka lang girl?

Maine: Okay nga lang ako, kaya ko maglakad makulit lang itong si RJ eh.

Tahimik at seryosong nakatingin lang si RJ.

RJ: Itaas mo yang jogging pants mo up to your knee, tapos patingin ng kamay mo.

Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod dito. May pasa nga ito sa tuhod at may gasgas ang magkabilang palad.

RJ: I thought so.

Nagpakuha si Patricia ng first aid kit at yelo sa katulong ng magdala ito ng tubig para sa kanila.

Binuksan ni RJ ang isang bottled water at hinugasan ang mga palad ni Maine. Wala ng nakaimilk sa magkakaibigan. Tahimik lang na uminom ng tubig at nagtitinginan. Inabutan ni Patricia ng yelo si RJ. Nilagay ito ni RJ sa pasa sa tuhod ni Maine. Nang dumating ang first aid kit, nilinis ni Patricia ang gasgas sa mga palad ni Maine at nilagyan ng gamot.

Patricia: Better?

Maine: Yup, thanks sis! Akina yan Bes, ako na. Tuloy nyo yung work out ninyo sige na. Sasakit yang mga katawan ninyo pag hindi kayo nangstretching. Dito lang ako.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon