Chapter 19 - Acceptance

2K 124 8
                                    

Simula noon,  kapag nasa condo unit niya at nagiisa.  Tinitignan ni RJ ang mga polaroid picture nila na kuha ni Gerald.  Nakangiti si Maine, masaya silang pareho sa mga litratong ito.  Hindi maitatanggi ang damdamin nila sa isa't isa.  At ang litratong yon ng halikan niya si Maine says it all.  Naguguluhan si RJ, dahil hindi naman nagbago ang pagnanais niya na makita si Gara at alam niyang mahal niya si Gara pero bakit ganon ang nararamdaman niya para kay Maine?

Samantala, kung si RJ naguguluhan, si Maine naging sigurado naman sa nararamdaman niya para kay RJ.  Mahal niya si RJ at gusto nyang ipadama dito ang pagmamahal na yon.  Minsan nagluto siya ng seafood pasta.  Ipinahatid niya kay Marco sa condo ni RJ pati na ang recipe nito. May note itong kasama, "I just remembered I promise you this so here it is hope you like it. Love, Maine"

Natuwa naman si RJ pero nagaalala siya na literal na isinulat ni Maine ang Love sa note.  Alam niya gustong iconfirm ni Maine ang damdamin nito sa kanya.  Kinasabaduhan dumating si Maine sa Condo ni RJ, nagulat si RJ ng makita ito pagbukas niya ng pinto.

Maine: Hi! 

Humalik ito sa pisngi ni RJ.

RJ:  hello, what brings you here Bes?

Maine:  wala akong magawa sa bahay and since I promised to teach you seafood pasta, here I am.

RJ:  you don't have to do this... binigay mo na nga sa akin yung recipe eh.

Maine:  Huwag ka ng maarte Bes, bilisan mo na at ng umabot ito for lunch.

Wala ng nagawa si RJ kung hindi sumunod sa dalaga. Tinuruan siya nitong lutuin ang seafood pasta.  Nang matapos, inihain ito ni RJ sa lamesa at kumain sila.

RJ:  Wow! ang sarap. Ang galing mo Bes, am sure magugustuhan ito ni Gara.

Tinignan ni RJ ang mukha ni Maine, gusto niyang makita ang reaksyon nito sa sinabi niya.  Sandali itong napatigil.

Maine:  Oh di ba, sabi ko sa yo masarap ako magluto nito eh at siguradong magugustuhan niya. Ikaw ano bang favorite mong pagkain?

RJ:  Ito din or anything seafood. Hindi naman kasi ako maselan sa pagkain pero lahat ng paborito ni Gara paborito ko din.  Tulad ng champorado with tuyo, mga street foods fishballs, squid balls, kikiam at isaw.

Napainom ng tubig si Maine. Napatitig sa pasta sa harap niya.

RJ:  Sure ka ba na ok lang sa yo na pinaguusapan natin siya?

Maine:  Magagalit ka ba kung sabihin kong hindi?

RJ:  Hindi.

Maine:  Hindi ka magagalit pero alam kong hindi ka magiging masaya kung hindi siya kasama sa pinaguusapan natin.  So, ok lang basta ba masaya ka eh.

RJ:  Maine... huwag ganon. Kung hindi ka masaya na binabanggit ko siya eh di hindi ko siya babangitin.

Maine:  Gagawin mo yon?

RJ:  It's the least I can do for you.

Maine:  There's more that you can do for me, alam mo yan.  Pero kung hindi mo kaya ok lang, naiintindihan ko. Kaya just let me do things for you instead.  Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa mga ginagawa ko para sa yo eh.

Hinawakan ni RJ ang kamay ni Maine.

RJ:  Sinabi ko sa yo noon na mahalaga ka sa akin then eventually dumating ako sa point na iba na yung pagaalala ko sa yo. Nasasaktan na ako kapag nasasaktan ka. Ayokong may masamang mangyari sa yo. Then that kiss, aaminin ko sa yo. It was not just a kiss. I felt it too.  

Napatingin si Maine kay RJ. 

RJ:  I didn't plan for this to happen but it did. I have feelings for you pero alam ko din na mahal ko si Gara. Mahal na mahal.  It would be selfish of me na pabayaan kang gawin ang mga ito para sa akin kung hindi ko naman maibibigay ang sarili ko sa yo.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon