Chapter 55 - #familygoals

2K 93 0
                                    

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan at nakakasanayan ni Maine na tumawag kay Nanay MaryAnn kapag may hindi siya alam tungkol sa pagaalaga ng bata at lagi namang bukas ang loob na sinasagot ni Nanay MaryAnn ang mga tanong niya.  Tulad ng hapong yon.  Iyak ng iyak si Raine, hindi naman gutom, basa, inaantok o naiinitan.  Natataranta na si Maine dahil ayaw nitong tumigil sa pagiyak.  Tumawag si Maine kay Nanay MaryAnn.

Maine:  Nay, pasensya na ho sa istorbo, kanina pa ho kasi umiiyak si Raine eh.  Lahat ho ginawa ko na pero ayaw pa ring tumigil.

Nanay MaryAnn:  Baka naman masama ang pakiramdam, tignan mo kung may sinat o baka naman kinakabagan.

Maine:  Nay, parang mainit-init po si Raine tapos ho parang nilalaro ang laway niya.

Nanay MaryAnn:  Baka naman nagngingipin iyan.

Maine:  Ho?

Nanay MaryAnn: tignan mo ang gilagid baka umuusbong ang mga ngipin.

Maine: Nay, meron nga ho.

Maine: ayan kaya yan umiiyak.  Painumin mo lang ng gamot sa lagnat kung may sinat tapos ipakagat mo yung teether. Huwag kang magalala Hija, normal lang yan. 

Maine:   Sige ho Nay, salamat ha. 

Madalas ding dinadala nila Nanay MaryAnn at Tatay Teddy si Rickey sa Condo nila RJ.  Kaya napalapit si Maine sa magasawa.  Isang bagay na naikwento ni Maine sa magulang na kumupkop sa kanya  nang umuwi sila isang sabado.

Maine:  Alam mo Ma, ang bait talaga ng magulang ni Gara.  Madalas ho nilang dinadala si Rickey sa bahay at kapag nandon sila tinutulungan po ako ni Nay MaryAnn na magalaga kay Raine.  Siya din ho ang kasama ko kapag may flight sa Europe o US si RJ at hindi nakakauwi ng dalawa o tatlong araw.

Papa Mark:  Baka naman nakakahiya na don sa magasawa anak.

Maine:  Hindi po Pa, lagi nga po kaming nagpapasalamat ni RJ sa kanila. Ang sabi po palagi hindi daw dapat mahiya at magpasalamat dahil parang pamilya na ang turing nila sa amin dahil kay Rickey.

RJ:  Sabi nga ho nila, kahit papano naiibsan ang pangungulila nila kay Gara kapag nandon sila sa amin kasi nga po kamukha nito si Maine.

Mama Precy:  Mabuti naman kung ganon.  Malaking tulong talaga kapag may mas nakatatanda na magaalalay sa yo sa pagaalaga kay Raine.  

Maine:  oo nga po Ma, kapag nandon sa bahay sila Nay MaryAnn at Tay Teddy hindi ako natataranta o nagaalala eh.

Mama  Precy:  Pag tagal tagal matututunan mo din lahat yan at masasanay ka na din kaya hindi ka na matataranta o kakabahan pa.

Papa Mark:  Sayang lang kapag dumadalaw kami hindi namin sila matyempuhan para makilala naman namin sila at mapasalamatan.

RJ:  Hayaan niyo pa sa 1st birthday ni Raine, iimbitahin namin sila kaya siguradong makikilala na ninyo sila.

Mama Precy:  Sige, maghahanda ako ng pasalubong para sa kanila.

Maine:  Naku, matutuwa niyan si Nanay MaryAnn, matagal na din silang hindi nakapunta ng Laguna Ma, yung mga delicasies dito ang dalhin ninyo para sa kanila.

Tatay Teddy:  Bakit anak taga dito ba sila sa Laguna?

RJ:  Si Nanay MaryAnn po ang taal na taga dito. Noon po dito sila nakatira sa Lola ni Gara. Pero ng grumaduate po siya ng high school magkasunod na pumanaw ang Lolo at Lola niya.  At yung mga kapatid naman po ni Nanay MaryAnn  nasa ibang bansa ng lahat. May namana pong lupa ang tatay ni Gara sa Manila kaya doon na sila nanirahan.

Mama Precy:  Naku, siguradong namimiss na nila ang kesong puti, buko pie, bibingka at espasol.  Hayaan ninyo maguuwi kami ng mga yan sa bday ni Raine.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon