Chapter 17 - Payback

2K 118 3
                                    

Tatlong araw na naconfine sa hospital si RJ. Tatlong beses ding dumalaw si Maine sa kanya, palaging may dalang pagkain at prutas. Nakilala din ni Maine and Daddy ni RJ, nagbiro pa ito ng dumalaw ang magkakaibigang Maine, Patriacia, Valeen at Anne.

Daddy Rick:  Kahit naman ako ang magkasakit tapos ganito kagaganda ang dumadalaw sa akin mabilis akong gagaling.

Nagtawanan na lang ang magkakaibigan.

Nang lumabas ng hospital si RJ, si Daddy Rick, Ryzza at Gerald ang kasama niya. Sa Condo Unit ni RJ nagstay ang ama at kapatid habang nakabakasyon ito.  Ikalawang araw nila doon nagising si RJ sa amoy ng nilulutong agahan ng kapatid.

RJ:  Good morning sis, ang bango naman niyan.

Ryzza:  Good morning kuya, nandon si Dad sa Veranda, lumabas ka don para maarawan ka naman.

Pinuntahan ni RJ ang ama at inabutan niya itong nagkakape.

RJ:  Good morning Dad!

Daddy Rick:  Good morning hijo! Kamusta ang pakiramdam mo?

RJ:  I'm back to normal Dad.

Daddy Rick:  Mabuti kung ganon.

RJ:  Dad, pwede naman akong magbigay ng flowers to say thank you hindi ba?

Daddy Rick:  Oo naman.

RJ: Just making sure, ayoko lang kasing mamisinterpret yung pagpapadala ko ng flowers eh alam nyo na baka akala nanliligaw ako.

Daddy Rick:  Siguro dapat pumili ka ng klase ng bulaklak na ipapadala mo.

Ryzza:  Yellow chrysanthemum or yellow roses kuya ang ipadala mo tapos lagyan mo ng thank you card.

RJ:  Thanks sis!

Ryzza:  Para kay Ate Maine ba yan?

RJ:  Oo eh, I just want to show her my gratitude sa pagbabantay niya sa akin at pagdalaw.

Daddy Rick: Naniniguro ka ha.

RJ:  Mahirap na Dad, sa lahat ng ayaw ko yung makakasakit ako. Ayokong paasahin siya eh.

Kinuha ni RJ ang cellphone at inorder ang mga bulaklak at ipinadala sa opisina nila Maine.

Bandang tanghali tumawag si Valeen kay RJ para magpasalamat sa bulaklak, nagpost naman ng picture ng flowers si Patricia sa Instagram na may caption na "You're very much welcome Captain!". Tumawag din si Anne at nagthank you sa flowers. Bandang dinner time ng tumawag si Maine.

RJ:  Hello Bes!

Maine:  Hi!  Thanks sa flowers ha, they are beautiful.

RJ:  Buti nagustuhan ninyo. 

Maine:  Nagtitili nga kami ni Pat tawa ng tawa yung ibang models sa amin eh. Parang ngayon lang daw kami nakatanggap ng flowers.  Sabi namin ni Pat galing sa isang kaibigan oo ngayon lang.  That was sweet of you.

RJ:  It's the least I can do. Nasa bahay ka na ba?

Maine:  Oo kadarating ko lang. 

RJ: Ok, magdinner ka na at magpahinga.  

Maine:  Ok, thanks again.

RJ:  Bye Bes.

Maine:  Bye.

Makalipas ang dalawang araw, batong bato na si RJ sa condo nya.  Puro may flight sila Ge, Ryan at Sam.  Gusto nyang lumabas dahil huling araw na ng bakasyon niya.  Wala siyang magawa kaya nagbrowse na lang siya sa FB at nabasa niya ang post ni Maine... "bored to death... movie, lunch, pizza, ice cream? anyone?"

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon