Chapter 54 - #parentgoals

2K 94 2
                                    

Unang linggo ni Baby Raine sa Condo,  ang second bedroom ginawa nilang nursery. Masayang masaya si RJ at Maine.  Dahil naka paternity leave pa si RJ.  Naging madali para sa kanila ang alagaan ang anak.  Nagmistulang mga ulirang Ina at Ama sila kay Baby Raine.  

RJ:  Oh, tapos ng dumede si Raine, huwag mong kalimutang padighayin ha.

Maine:  Opo!

Natatawang sagot ni Maine.  Maagap na inaasikaso ni Maine ang anak sa bawat pagiyak nito.  Nandyang tignan kung basa ito o dumumi.  O kung gutom na ito or inaantok at gusto ng karga. Walang pagod ding binantayan at inalagaan ni RJ ang kanyang magina habang nakaleave siya. Siya ang nagluluto ng pagkain nila. Kapag natutulog si Maine, si RJ ang nagaalaga sa anak kahit sa madaling araw.  Nageenjoy naman siya.  Pagdating ng ika-pitong araw, huling araw ng leave ni RJ. Bumalik na din ang lakas ni Maine at nakakakilos na din ito ng walang sumasakit sa kanya at hindi siya nahihirapan.  

RJ:  Bes, sigurado ka bang ok lang sa iyong magisa dito?  Kakayanin mo ba?

Maine:  Oo don't worry besides kakayanin ko lahat para kay baby.

RJ:  Pero kapag nahirapan ka, sasabihin mo ha para makahanap tayo ng Yaya para may makatulong ka.

Maine:  Wala ka bang tiwala sa akin, if others can do this, I can too.

RJ:  Hindi naman sa ganon Bes, ayoko lang na mahirapan ka.

Kinabukasan, maagaang nagising si Maine at habang tulog pa si Raine, nagluto na siya ng agahan.  Nagising si RJ sa amoy ng pagkaing niluluto nito.  Bumangon si RJ, sinilip ang anak sa krib at ng makitang tulog na tulog ito.  Lumabas ng kwarto at pinuntahan si Maine.

RJ:  Good morning Bes, oh hindi mo kailangang magluto ng breakfast, pwede naman akong magcoffee na lang eh then have a bite of a sandwich sa airport eh.  Dapat sinabayan mo na lang si Raine sa pagtulog para makabawi ka sa puyat mo ng madaling araw na gising siya.

Maine:  I will do this as much as I can, ayoko namang isipin mong hindi na kita naasikaso eh.

RJ:  Kahit kailan hindi ko iisipin yon, nakikita ko naman kung papano mo alagaan si Raine eh.  Ikaw talaga, halika nga pakiss.

Maine: Hon, hindi pa ako nakakashower. Halo-halo na ang amoy ko.

RJ:  I don't care.

Bigla itong hinila ni RJ at pinupog ng halik si Maine sa leeg at sa mukha. Tawa ng tawa si Maine. 

RJ: Kahit ano pang amoy mo, I don't mind kasi alam ko that is a smell of a wonderful and hardworking wife and mom.

Maine:  Lakas mo mangbola Bes!

RJ: Hindi ako nambobola... 

hinalikan niya ito sa labi, pababa sa leeg at sa clevage nito. At bumulong...

RJ:  Babe, patikim nga ng milk ni Baby.

Kinurot ito ni Maine sa tagiliran. 

Maine:  You're silly Babe!  Mabuti pa kumain ka na ng breakfast at maligo kung hindi malelate ka sa flight mo.

Tumingin si RJ sa wall clock.

RJ:  Naku oo nga! Ok I will let you go for now, paguwi ko lagot ka sa akin.

Natawa na lang si Maine sa kalokohan ng asawa.

Ilang araw ang dumaan, maayos naman ang pagaalaga ni Maine sa anak at kahit papano nakakatulong si RJ sa kanya kapag maaga itong nakakauwi.  Pero ng maging busy ito at magdouble leg sa international flights, kapag dumarating ito sa bahay, pagod na ang katawan at pagkakain matapos laruin sandali ang anak nakakatulog ito agad at kahit anong iyak ni Raine sa madaling araw hindi ito nagigising.  Kaya walang magawa si Raine kung hindi bumangon kahot antok at pagod sa buong maghapon at asikasuhin ang anak.  Magdadalawang buwan ng ganon ang set up nila pero hindi pa rin nagrereklamo si Maine.  Pinipilit gawin ang responsibilidad.  Pero  nagsisimula na din itong makaramdam ng lungkot at inis. Pakiramdam niya magisa lang siyang nagaalaga sa anak.  Isang alas dos ng madaling araw, pumalahaw ng iyak si Raine. Binuhat ito ni Maine at pinadede.   Nang mabusog ito, pinadighay niya at ihinele para makatulog ulit.  Nakakatulog naman ito pero kapag sinusubukan niyang ibaba sa crib, nagigising.  Antok na antok na si Maine at tinatalo na din ng pagod ang katawan. Sinubukan niyang gisingin si RJ  pero umuungol lang ito at makakatulog lang muli.  Sa sobrang frustration at pagod naiyak na lang ito at naupo sa isang sulok ng kwarto at umiyak habang ipinaghehele ang anak. 

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon