Chapter 7 - Bagong Simula

2.3K 107 1
                                    

Alas tres ng hapong yon, magsisimula ang programa para sa natatanging huwaran ng Sta. Rosa. Ang programa ay pinamagatang - "Huwaran tularan para sa kaunlaran."  Gaganapin ito sa mismong stage ng Sta. Rosa High School. Si RJ ay naatasang magbigay ng isang  Inspirational Message para sa estudyante ng nasabing paaralan.  Sa mismong stage din na iyon gagawin ang Fashion Show na may pamagat na "Catwalk for a Cause" pagkatapos ng Programa ng Parangal.  Sa kanang gilid ng stage naman inilagay ang malalaking tent para sa mga model ng fashion show at ito rin ang lugar kung saan naglagay ng mga clothe hanger mga lamesa para sa mga damit na ibebenta ng grupo ni Maine.  Kasalukuyang inaayos ang mga paninda at display ng mga oras na magsimula ang Programa ng Huwaran. Kumpleto na ang mga modelo at mga kaibigan nila RJ at Maine at mga volunteer.  

Sa kalagitnaan ng programa ng parangal.  Ipinakilala si RJ.

Host:  Ngayon naman po, ipinakikilala namin ang isa sa ating panauhin. Siya po ay dating estudyante ng Sta. Rosa High School at noon pong nagaaral siya dito may mga pagkakataong naging isa siya sa sakit ng ulo ng kanyang mga guro pero nagbago, nagsikap, nakatapos at ngayon isa na siyang matagumpay na Businessman at Commercial Flight Pilot.  Bigyan po natin ng isang masigabong palakpakan ang napakagwapong si Captain Richard Faulkerson Jr.

Nagpalakpakan, nagsigawan at sumipol ang mga kaibigan ni RJ. Natawa naman si RJ.

RJ:  Pasensya na kayo sa kanila, parang ako lang din yan nung nagaaral ako dito. Kaya lang sila matatanda na makukulit pa rin. Tumingin si RJ sa mga kaibigan...

RJ:  Children keep quiet!

Nagtawanan naman ang mga estudyante.  Nanahimik naman ang mga kaibigan niya.

RJ:  Magandang hapon po sa inyong lahat, isang karangalan po ang maimbitahan sa selebrasyong ito ngayong hapon.  Isang karangalan na mapabilang sa mga taong nakikita ninyo sa stage ngayon at isang karangalan din po ang makatungtong na muli at dumalaw  sa paaralang naging gabay ko sa aking pagaaral noon. Tulad ninyong lahat, dito ako sa paaralang ito nag-aral at nakapagtapos.   May tanong ako sa inyo, gusto kong malaman kung sino sa inyo ang nadadalian sa pagaaral, (may ilan na nagtaas ng mga kamay).  Sigurado akong kayo ang mga nasa Top ng klase ninyo hindi ba? Dahil kayo yung mga estudyanteng nabiyayaan ng likas na katalinuhan. Sino naman ang nagsasabing ang pagaaral ay hindi madali at hindi rin mahirap, kung baga nasa gitna. (Mas maraming mga estudyante ang nagtaas ng kamay) Wow, maswerte kayo na marami kayo dahil kayo yung mga nabiyayaan ng katamtamang katalinuhan at ng kasipagan.  At sino naman sa inyo yung tipo ng estudyante na basta pumasa lang ok na.  (Marami din ang nagtaas ng kamay.) Kayo ay biniyayaan ng katamtamang katalinuhan pero natutulog kayo sa pansitan ng magsabog ang Diyog ng kasipagan kaya wala kayong nasalo kahit konti.  (Nagtawanan ang lahat.)  

Noong nagaaral ako  pa ako ay nagkaron ng pagkakataon na mapabilang ako sa mga natutulog na yan sa pansitan tulad ninyo. Tulad ninyo wala akong ginawa kung hindi umasa sa katalinuhan at kasipagan ng iba, nangongopya, nagpapagawa ng project at assignment sa iba. O kaya pumapasok na ang pinanghahawakan ay ang salitang SANA.  Sana absent si Mr. Oliva: Sana hindi maalala ni Ms. Santos ang project namin; Sana walang recitation; Sana walang bantay sa exam at kung ano-ano pang SANA.  Minsan sinuswerte na may natupad sa mga Sana na yan pero mas madalas na hindi kaya si RJ ang report card puro palakol  ang grades. Hanggang sa isang araw, makilala ko si Gara, Graciana Malinao ang kanyang buong pangalan, siya ang tinaguriang huwarang magaaral noong panahon namin. Natutunan ko sa kanya ang kahalagahan ng mga simpleng bagay, ang kahalagahan ng pagtulong sa iba, ng prinsipyo sa buhay at na hindi hadlang sa mga pangarap ang mga problema or kakulangan sa buhay bagkus ay maari itong maging inspirasyon  upang makamit natin ang tagumpay. Second year high school ako ng mamatay ang aking Ina, masakit para sa akin dahil mahal na mahal ko siya  at dahil doon napabayaan ko ang aking pagaaral pero dahil nakinig ako kay Gara, inisip ko na mas magiging masaya si Nanay kung makikita niya na nagsumikap ako at may narating sa buhay at kung nasaan man siya maipagmalaki niya ako.  Sana katulad namin ni Gara, gamitin ninyong sandata ang mga problemang yan upang kayo ay magsumikap na abutin ninyo ang inyong mga pangarap.  Maaaring masarap matulog at managinip pero mas masarap na gising ka at tinatamasa ang ganda ng buhay na iyong pinagpaguran at pinagsumikapan. Maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon