Chapter 65 - Reaching-out

1.8K 86 3
                                    

Makalipas ang ilang buwan, maayos at masaya naman ang naging pagsasama ni RJ at Maine. Simula nung magalit si Maine na naging sanhi ng pagkakahospital ni Gara. Hindi na binanggit pa ni RJ si Gara. Kahit may mga balita siyang natatanggap muna kay Andrew. Hindi na din siya sumubok pang magtext o tawagan ito. Para kay Maine at para kay Gara minabuti na ni RJ na tanggaping tapos na ang pagkakaibigan nila ng Ina ng kanyang anak. Kapag may mga activity si Rickey sa school palaging si RJ ang nagpupunta kasama si Maine. Laging idinadahilan ni Gara ang kanyang pagbubuntis pero alam ni RJ na iniiwasan lang nitong magkita pa sila. Dumaan ang ilang okasyon tulad ng birthday ng mga kaibigan. Nagpupunta si Andrew pero hindi nito kasama si Gara. Dumaan ang kaarawan ni RJ, dumating si Andrew na may bitbit na seafood pasta pero ang sabi ni Andrew, ipinaluto niya lang ito kay Adriana pero alam na alam ni RJ ang lasa ng luto ni Gara. Nang hanapin ng mga kaibigan si Gara sabi ni Andrew, maselan ang pagbubuntis nito at nahihirapang kumilos kaya hindi na ito nakasama. 

Simula ng  malaman ni Maine na si Nanay MaryAnn at Tatay Teddy ang kanyang tunay na magulang. Palagi itong dumadalaw sa mga ito, iginugol niya ang oras para mapalapit sa tunay na Magulang.  Bawat tanong ni Maine tungkol sa buhay magasawa at sa pagpapalaki ng anak ay idinudulog nito sa magulang. Ipinakita at ipinaramdam naman nila Tatay Teddy at Nanay MaryAnn ang pagpapahalaga at pagmamahal sa anak na matagal na nawalay sa kanila.

Minsan, dumating si Maine doon ng alalang alala dahil ayaw tumigil sa kakaiyak si Raine. 

Maine:  Nay, ayaw naman niyang dumede at kumain. Wala din naman pong lagnat.  

Tinapik tapik ni Nanay ang tiyan ni Raine.

Nanay MaryAnn: Eh may kabag ito eh.  Teka nga dumumi na ba ito?

Maine:  Kahapon pa ho ng umaga ng huling dumumi si Raine, Nay.

Nanay MaryAnn: Baka kaya umiiyak, nahihirapang dumumi. Akina yung manzanilla. 

Nang hilutin ni Nanay ang tiyan nito lalong umiyak.

Nanay MaryAnn: Marami bang dinede at kinain ito kahapon at ngayon?

Maine:  Opo

Nanay MaryAnn:  Teodoro, humingi ka ng suppository sa kabila.

Maine: Nay, kamusta ho si Gara?

Nanay MaryAnn:  Maayos naman parang masyado lang malaki ang tyan para sa pitong buwan, ang itsura niya parang kabuwanan na eh.

Bumalik maya-maya si Tatay Teddy.

Tatay Teddy: Mabuti inabutan ko sila.

Nanay MaryAnn:  Bakit saan sila pupunta?

Tatay Teddy:  Magpapacheck-up dahil nagaalala na si Andrew, hindi daw talaga normal ang laki ng tyan ni Gara para sa pitong buwan na sanggol eh.  Tumawag daw siya sa OB ni Gara ang sabi ng Doctor pumunta sila para macheck at maipaultrasound.

Nilagyan ng suppository ni Nanay MaryAnn si Raine.  Ipinaghele ito ni Maine at natahimik naman ito kahit papano. Makalipas ang isang oras nakadumi na ito at nakatulog. Pinapasok sila ni Nanay MaryAnn sa dating kwarto ni Gara. Nahiga si  Maine sa tabi ni Raine habang si Nanay MaryAnn kinuha ang mga photo album ni Gara.  Ipinakita niya kay Maine ang mga lumang litrato.

Nanay MaryAnn:  Eto ang mga Kuya mo, eto ang panganay si Denver matanda lang siya ng isang taon kay Daniel.  Mababait silang pareho, lumaking may pagka Mama's Boy. Mahal na mahal nila kami ni Tatay nyo pati na si Gara. Close silang pareho kay Gara. Mahilig silang magbasketball at magbiking. Tinuruan nila si Gara na magbasketball at magbike. Sa sobrang close nila ipinakikilala nila kay Gara ang mga babaing nagugustuhan kapag hindi pumasa kay Gara hindi nila ipinakikilala sa amin.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon