Chapter 63 - Ang pagsubok

1.8K 87 8
                                    

Hanggang sa isang araw, biglang tumayo si RJ at iniwan ang panonood ng TV, sinilip ang ref at kinuha ang isang kahon ng apple juice. Papalabas na sana ito ng biglang hinarang ni Maine.

Maine:  Saan ka na naman pupunta?

RJ:  Ihahatid ko lang ito kay Gara.

Maine:  Ano ba RJ, ikaw ba ang asawa ha?

RJ:  Bes, alam mong naglilihi si Gara, am just helping Andrew out.

Maine: One hour ago, goto tapos ngayon apple juice naman. sinuswerte na masyado yang ex mo ha. Iniistorbo na niya tayo!

RJ: Bes, intindihin na lang natin siya, ok?!

Maine: Hindi! Hindi ka pupunta don.

Nagkataong nandon si Papa Mark at Mama Precy.

Mama Precy: Hija, sige na pabayaan mo na, ngayon lang naman nagkaganyan yang kaibigan mo eh.

Maine: Hanggang kailan ba yan ganyan?  Nung ako ang maglihi wala akong inistorbong tao.

Mama Precy:  Magkaiba naman kayo eh. Ganon talaga yon eh.

Samantala, naiinip na si  Gara sa pahihintay kay RJ, naglakad ito papunta kila Maine para makuha ang apple juice. Narinig niya ang sinasabi ni Maine.

Maine:  Naglilihi o nagiinarte? Sobra namang maglihi yan pati asawa ng may asawa iniistorbo pa.  Bakit hindi ang asawa niya ang istorbohin niya?

RJ:  Maine, ako ang nagsabi sa kanila na kung may kailangan sila magsabi lang. Gusto ko lang makatulong, nung kay Rickey, wala ako kaya sinusubukan ko lang bumawi sa kanya. Tsaka, pumasok si Andrew di ba?

Maine:  Ayon kaya pumapapel ka naman dyan! Talagang gusto mong ituloy ang naudlot mong pagiging mister niya no?!

RJ:  Alam mong hindi totoo ang sinasabi mo. Kaibigan ko si Gara, kaibigan natin.  

Maine:  Hindi na ba patatahimikin ng babaing yon ang buhay natin ha?

Binato ni Maine ng plastic na bote ng tubig si RJ at bumagsak ito sa paanan ni Gara na kanina pa nakatayo sa pinto. Tumutulo ang luha nito, nakatingin kay Maine.

Gara: Narinig ko lahat, ganon pala ang tingin mo sa akin?

Nilapitan ito ni Mama Precy.

Mama Precy: Hija, pumasok ka muna. Huminahon ka, baka kung mapano ka eh.

Gara: Ok lang ho ako, sige po tutuloy na ako.

Natulala silang lahat, hindi nakakilos si RJ. Nagkatinginan na lang si Tatay Teddy at Mama MaryAnn.

Umiiyak na lumabas ng bahay nila Maine si Gara, humahagulgol. Naguguluhan siya, hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Huminto siya sa harap ng gate sandali, parang sumakit ang balakang niya. Mayamaya naglakad ito, eksakto namang dumating si Marco at Taki at nakita siya.

Marco: Ate Gara, bakit ka umiiyak? Anong nangyari.

Gara: Si Maine, galit si Maine sa akin.

Taki: Ano, bakit?

Humagulgol si Gara, niyakap ito ni Marco at pinilit pakalmahin.

Marco: Ate, tahan na. Hindi makakabuti sa yo ang sumama ang loob, baka makakasama sa baby mo.

Bahagyang tumigil sa pagiyak si Gara at naglakad palayo.

Marco: Hatid ka na namin...

Sinundan ni Taki ng tingin si Gara at napansin niya na may tumutulong dugo sa nilalakaran nito.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon