Chapter 21 - Patawad

2K 118 0
                                    

Biglang nawala si RJ, isang araw ibinalita na lang ni Gerald na hindi na ito umuuwi sa Condo Unit niya.  Makalipas ang dalawang linggo nakipagkita si Sam sa buong tropa.  Doon sila sa condo ni Gerald nagkita-kita. 

Gerald:  Oh, anong balita bro?  Nakita mo na ba si RJ? 

Sam:  Oo bro, umattend ako ng farewell party na inihanda ng mga officemates namin para sa kanya.  Tinawagan niya ako ang sabi maguusap daw kami kaya nagulat ako ng pagdating ko don farewell party pala.

Maine:  Farewell party?  Nagresign si RJ?

Sam:  Oo, tinanggap niya ang alok  ng American Airlines sa kanya na one year contract.  Kapag nagustuhan siya magre-renew ng kontrata every year.  Sa US office siya magbebase. 

Valeen:  Nakakalungkot naman. 

Taki:  I will miss him.

Marco:  Idol ko yon si RJ sa lovelife eh.

Anne:  Oo nga, mababawasan tayo ng isa.

Ryan:  Mamimiss ko yung mokong na yon. Totoong kaibigan yon eh. Napakabait. 

Gerald:  Ako nga, dalawang linggo ko ng hindi kasama dito sa Condo parang ang laki ng ipinagbago eh yung tuluyan na pala talaga siyang wala dito.

Patricia:  He is a sweet friend... sana man lang nagpaalam siya sa atin di ba.

Maine:  Aalis siya ng hindi ako kinakausap, malaki talaga ang galit niya sa akin kung ganon.

Sam:  Pinilit ko siyang sumama sa akin, sabi ko last hirit namin two for the road pero ayaw eh. Ipagpaalam ko na lang daw siya sa inyo.

Tahimik na nakaupo lang sila doon at inaalala si RJ. Nagulat silang lahat ng biglang magsalita si RJ mula sa pinto ng Condo Unit nito.

RJ:  Hoy! mga sira, para kayong namatayan diya.  Buhay na buhay pa ako!

Tumakbo si Taki palapit kay RJ at niyakap ito.

Taki:  Kuya akala ko talaga hindi ka magpapaalam sa amin eh.

RJ:  pwede ba yon? kayo na ang pamilya ko dito sa Manila, hindi pwedeng hindi ako magpapaalam sa inyo.

Sam:  papano kang nakarating agad diyan?

RJ:  may kotse ako remember, yung paghahanap mo pa lang ng taxi ang tagal na eh.  Lika tuloy kayo dito sa loob may inihanda ako para sa inyo.

Sumunod naman ang magkakaibigan. Naupo ang mga babae sa Couch at sumalampak sa sahig ang mga lalaki.

Naglabas ng isang dosenang beer in can si RJ, baso, yelo at dalawang box na thin crust pizza. Nagkanya-kanyang kuha ng beer ang bawat isa.

Hinila ni RJ ang dining chair at umupo sa harap ng mga kaibigan. 

RJ:  Yung sinasabi kong promotion na naging busy ako hindi ko nakuha. Pero nagoffer sa akin ang american airlines ng mas magandang opportunity.  They offered to train me sa US office nila and fly their planes. I signed a one year contract with them, kapag natapos ko yon at nagustuhan nila, pwede na akong mamili to work for them here or doon pa rin.  Alam naman ninyong lahat kung gaano kaimportante sa akin ang carreer ko so I have to take this opportunity.  Minsan lang itong dumating sa buhay ko.  Isa pa, I want to share my blessings with you guys kapag natapos ko ito I can refer you to them and may mas malaking chance kayo na makapasok din sa kanila.  

Sam:  Bro, masaya naman tayo sa Cebupac di ba?

RJ:  Oo pero maliit ang opportunity natin to grow, promotion na nga lang hindi pa nila maibigay sa akin  eh.  Ayaw mo bang lumipad ng mas mataas Sam?

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon