Chapter 59 - Ang pagbabalik

1.8K 91 5
                                    

Dumaan ang ilang buwan, nanatiling lihim nila Mama Precy, Papa Mark, Tatay Teddy at Nanay MaryAnn ang kanilang napagusapan.

Magkagayon man parang nabunutan ng tinik si Mama Precy. Masaya naman sila Tatay Teddy at Nanay MaryAnn kung totoo man na si Maine ang kakambal ni Gara pero pareho din silang natatakot na malaman ito ni Gara. Dahil kahit minsan hindi nila sinabi dito ang tungkol sa nawalang kakambal.

Naging busy sila Tatay Teddy at Nanay MaryAnn sa pagaasikaso sa ipinagagawang bahay nila Andrew at Gara pati na sa nalalapit na kasal ng mga ito dito sa Maynila. Tatlong linggo na lang kasi at uuwi na ang mga ito.

Nabalitaan ni Papa Mark at Mama Precy mula kay Maine at RJ ang tungkol sa paguwi nila Andrew at Gara.

Mama Precy: Kailan ang dating nila Gara at Andrew?

RJ: 3 weeks from now Ma, grabe nga eh. Nirurush yung finishings ng bahay nila para maideliver na ang lahat ng furnitures para ready ito after ng kasal nila.

Maine: Tapos maghahanda pa kami para sa bridal shower at stag party nila.

Papa Mark: Bakit may ganon pa? Eh ikinasal na sila.

Maine: Pa, kahit na, syempre iba pa rin kapag dito dahil nandito ang lahat ng kamaganak at kaibigan nila. Ang gusto nila Nanay MaryAnn, Tatay Teddy pati na Tita Maggie this would seem to be their first wedding. Yung mga kaibigan naman namin ang humiling ng party kaya kami na ni RJ ang nagasikaso. Gusto ko lang ibalik kay Gara ang kabutihang ginawa niya para sa amin ni RJ.

Mama Precy: Sabagay tama naman yon.

Makalipas ang tatlong linggo dumating sila Andrew at Gara, inimbitahan sila ng mga ito sa isang dinner sa Columns, sa Condo ni Andrew.

Nagdoorbell si RJ, pinagbuksan sila ng pinto ni Andrew.

Andrew: Bro! Kamusta?

RJ: Welcome back! ok naman

Nagkamay ang dalawa at nagyakap at tinapik ang balikat ng isa't isa.

Andrew: Mommy Maine! Good to see you again! Lalong gumaganda ha.

Natawa si Maine nagbeso at niyakap ng mahigpit si Andrew.

Maine: Daddy Andrew! Thanks for the compliment, you looked really good and happy yourself!

Sabay-sabay na silang pumasok sa loob, binati nila ang mga kaibigang nadatnan nila doon.

RJ: Oy Sam, Ryan, Ge nandito din pala kayo.

Sam: Syempre, may pasalubong daw eh.

Nagtawanan sila.

Maine: Pat, girls, buti nandito kayo.

Valeen: Hirap ninyong mahagilap na dalawa eh.

Andrew: RJ, naalala mo ang mga friends namin ni Gara?

RJ: Oo naman! Hi everyone!

Vangie: wow Papa RJ lalong gumagwapo ha.

RJ: Ikaw din Vangie sexy ah, by the way, this is my wife Maine. Sila ang mga friends ni Gara at Andrew sa Call Center before. Si Vangie, Wynona, Gianne and of course si JC at Barbie

Maine: Hello nice to meet you all

Andrew: Yung nasa kabilang lamesa naman, si Thea, JM, Benz at syempre si Josh.

Maine: Yah, I know Josh, hi there. Nice to meet you.

JM: Grabe! Maine, totoo pa lang magkamukha kayo ni Gara.

Ngumiti si Maine. Biglang nagsalita si Gara

Gara: Oo, pero mas maganda at sophisticated siya sa akin ng dalawang paligo.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon