Chapter 37 - Kurot sa puso

2K 97 2
                                    

Dumaan ang isang buwan halos linggo linggo na laging magkasama ni Gara at Maine,  kaya nagkakilala sila ng husto. Totoong marami silang ipinagkapareho kaya lalong naiisip ni Gara na hindi malayong nagustuhan ni RJ si Maine. Pero ang isang pagkakaiba nila. Palaban kung magmahal si Maine, wala siyang pakialam kung makakasakit siya basta ang alam lang nya may karapatan siyang magmahal at maging masaya. Wala din siyang pakialam sa kung ano ang tama at dapat ang gagawin lang niya ay kung ano ang dapat at tama para sa kanya.

Naikwento kasi ni Maine ang ex-boyfriend niya na nasa America kung papanong naging isang Obsession sa kanya si Chris.  Naikwento din nito ang ilang mga pagkakataon na nagkasama sila ni  RJ.   May mga pagkakataon din na may pangyayari siyang ikinukwento na kaparehong kapareho ng kwento ni RJ, at kapag sinasabi ko na alam mo, narinig ko na ang kwentong yan kay RJ. Sasabihin lang niya, eh kasi  nga bestfriends kami, lagi kaming magkasama kaya kahit kasama ko ang boyfriend ko nandon din siya.

Minsan naitanong ni Gara kay Maine...

Gara: Maine, alam kong bestfriend mo si RJ kaya ang loyalty mo nasa kanya pero babae ka rin alam mo ang nararamdaman ko. Wala ka bang alam na naging girlfriend ni RJ or babaeng minahal niya? Sa tagal kasi ng panahon na nagkahiwalay kami natatakot ako na baka mamaya sa araw ng kasal may sumulpot na babae para pigilan ang kasal namin eh.

Hinawakan ni Maine ang kamay ni Gara.

Maine: Wala akong alam na babaeng minahal niya ng higit pa sa pagmamahal niya sa yo. Hinanap at hinintay ka niya ng mahabang panahon, hindi siya nawalan ng pagasa. Kung magkataon man na may minahal siya hindi kayang pantayan ng pagmamahal na ibigay niya don, ang pagmamahal niya sa yo. Dahil gagawin ni RJ ang lahat mapasaya ka lang at ang anak mo. Lagi nyang ikinukwento sa akin nung magkita na kayo... dakila daw ang pagmamahal mo dahil mas pinili mong isakripisyo ang kaligayan mo para sa pangarap niya. Napakaswerte daw niya na minahal mo siya ng ganon. Kaya mahal ka niya ng higit pa sa pagmamahal niya sa sarili niya.

Naluha si Maine at hindi niya ito napigilan.

Gara: O bakit ka umiiyak?

Maine: Eh nakakaiyak naman talaga ang kwento ninyo eh.Ikaw ba hindi ka naiiyak?

Natawa si Gara pero may luhang tumulo sa pisngi nito.

Maine: Oh nakita mo na naiyak ka din.

Sa mga pare-parehong kwento ni RJ at Maine, sa mga reaksyon nila kapag magkakasama kami, lalong lumakas ang kutob ni Gara na nagkaron sila ng relasyon at kung tama ang hinala niya, mahal pa nila ang isa't isa. 

Gusto niyang makasiguro at  kailangan nyang  makasiguro. Minsang may byahe si RJ sa Europe nagpunta si Gara sa Condo,  dahil binigyan naman siya ni RJ ng susi.  Nakapasok siya at nahalughog niya ang buong lugar para sa kung ano mang pruwebang maaring makita niya  pero bigo siya. 

Kaya ng kinailangan niyang  makausap ang isa sa events coordinator.  Umuwi si Gara sa bahay nila RJ sa Laguna ang sabi niya kay Daddy Rick may kailangan siyang hanapin na papeles nila na baka naiwan sa kwarto ni RJ doon.

Hinalughog ni Gara ang bawat sulok ng kwarto hanggang sa nakita niya ang isang kahon ng sapatos sa ibabaw ng mataas na cabinet ng damit.   Nandoon ang lahat  ng mga litrato nila RJ at Maine na magkasama, sweet, magkayakap at may magkahalikan pa. At ang ilang sulat ni Maine na parang sagot sa  sulat ni RJ. Inilabas niya sa ibabaw ng kama ang mga litrato. nakaupo si Gara sa kama at binabasa  niya ang sulat habang umiiyak nang umakyat si Daddy at makita sya.

Daddy: Bakit ka umiiyak?

Iniabot ni Gara ang litratong hawak  niya kung saan magkahalikan si Maine at RJ.  Tinignan niya ang mga litrato. Nagulat si Daddy.

Daddy: Anak, hindi ko alam ito.

Gara: Matagal na ho yan. Dahil ito hong sulat ay mga lumang date na.  Hindi naman ho niya ako niloko, hindi nya lang sinabi na ang babaing tinutukoy nya na naging malapit sa kanya ay si Maine pala. At sa laman ho ng sulat, tinapos ni RJ ang kung ano mang meron sila kahit na mahal niya si Maine dahil nakita na niya ako at ang anak namin.

Daddy: Anong balak mo?

Gara: Wala akong balak gawin Dad. Tulad ng sinabi ko hindi niya ako niloko. Wala din namang ipinakitang masama sa akin si RJ o kahit si Maine. Si Maine mismo ang nagsabi sa akin na mahal na mahal ako ni RJ ng higit pa sa sarili niya.

Niyakap ni Daddy  Rick ang mamanugangin.  Pinilit pakalmahin, pagaanin ang pakiramdam.

Daddy Rick:  Maniwala ka Gara kung ano man yan malamang na wala ka pa noon, ako ang nagsasabi sa yo mahal na mahal ka ni RJ, walang araw na dumaan na hindi niya ninais makita ka para matupad niya ang mga pangako niya at matupad ninyo ang pangarap ninyo na isang pamilya.

Gara: Dad , sana ho manatiling lihim ang mga bagay na nalaman natin at nakita.

Daddy: Oo anak huwag kang magalala.

Gara: Ginawa namin ang desisyong ito ng malinaw ang pagiisip namin, hindi din naman ho kami haharap sa Diyos ng walang pagmamahal dahil alam kong mahal namin ang isa't isa. Wala pong magbabago itutuloy natin ang kasal at mananatiling lihim ito katulad ng gusto nilang mangyari. 

Lumipas ang mga araw, nanahimik lang si Gara. Pero naniniwala si Gara na isa  ang tiwala sa pundasyon ng pagmamahal.  Kaya hindi siya nakatiis gusto niyang malaman kung magiging matapat sa kanya si RJ. Isang araw na nagtitingin  sila ng mga wedding coordinators pages at kung ano-ano pa sa internet. Naisipan niyang itanong kay RJ.

Gara: Bie, sa tagal ng panahon, totoo bang wala kang minahal na iba?

RJ: Wala akong minahal ng tulad ng pagmamahal ko sa yo Gara. Matagal na panahon akong naghintay na makita kita at makasama kita. Ang totoo may nagustuhan ako, minahal ko pero matagal ng tapos yon. Mahal na mahal kita ng higit pa sa sarili ko Gara, yan ang lagi mong tatandaan. Masuwerte ako na mahal mo ako ng higit pa sa kaligayahan mo.

Gara: RJ, si Maine ba ang babaing minahal mo? Hindi kasi maalis sa isip ko na siya nga yon dahil marami kaming pinagkapareho eh. Eh, kung ako nga minahal mo eh di possibleng siya nga yung babaing minahal mo.

Bahagyang natigilan si RJ pero naisip niya kailangan niyang maging tapat kay Gara.

RJ: Oo siya nga. Bie, hindi ko sinabi sayo dahil ayokong pagdudahan mo ang pagiging magkaibigan namin ngayon. Matagal ng tapos yon, we never had any label. Para lang kaming MU ganon. We liked each other, we became close and eventually naramdaman namin na may pagtingin kami sa isa't isa pero dahil alam niyang may laman na ang puso ko. We didn't get to far tapos nagkita tayo and the rest is history.

Gara: Sabi ko na eh. Sounds familiar.

RJ: Since, we are being honest... pwede ko bang malaman kung sino yung kaisa-isang lalaking pinabayaan mong mapalapit sa yo?

Gara: Si Andrew at dahil alam din niyang, inaalagaan ko ang puso ko para sa yo. We never get anywhere and he left.

Humarap si RJ kay Gara.

RJ: Alam mo Bie, naiinggit ako noon sa closeness nila Andrew at Rickey tsaka nagseselos ako sa kanya kasi lagi na lang syang nandyan.  Tapos nung umalis siya may mga pagkakataong malungkot ka alam kong iniisip mo siya.  Pero iniisip ko lang palagi wala lang yon dahil ramdam ko naman na mahal mo ako. Sana yung tungkol kay Maine, kalimutan mo na dahil tapos na yon. Ang mahalaga, mahal natin ang isa't isa at gagawin ko ang lahat para araw-araw mong maramdaman na mahal na mahal kita.  Wala akong ibang pinangarap  noon man o ngayon kung hindi ang magkaron tayo ng pamilya.

Habang yakap ni RJ si Gara, pumasok sa isip nito ang bahagi ng sulat ni Maine kay RJ.

"Masakit Richard, pero tatanggapin ko. Ngayon lang ako nakakita ng pagmamahal na katulad ng sa inyo. Isang dakilang pagibig ang ibinigay niya sa yo kaya tama lang na ibalik mo sa kanya ang kadakilaan ng pagibig niya. Sana sa pamamagitan nito mapantayan ko ang kadakilaan ng pagibig ninyo."

Ang nasa isip ni Gara, "Ilang puso pa ang masasaktan dahil sa dakilang pagibig mo Gara?"

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon