Chapter 9 - Pagkakaibigan

2.3K 107 1
                                    

Simula noon naging mabuting magkaibigan nga si RJ at Maine.  Kahit mga busy sa kanya kanyang trabaho hindi nila nakakalimutang kamustahin ang isa't isa.  Kahit madalas na out of town/country pareho lagi namang naalalang pasalubungan ang isa't isa.  Katulad ng araw na yon.  Kadarating lang ni RJ at Sam mula sa flight nila sa Paris.

Sam:  Grabe ang sakit ng katawan ko. Parang gusto kong magpamasahe.

RJ:  Mukhang ok yan ah. Oo nga pala, magkikita ba kayo ni Patring?

Sam:  Nasa Manila nga daw sila, tawagan kaya natin.

RJ:  Ikaw ang bahala basta, huwag mong kalimutan itong pasalubong ko sa kanila ni Bes kung hindi aawayin  na naman ako non.  Ako din magpapamasahe, magpapahome service na lang ako sa condo para mas relax.

Sam:  Bro, eh di don na din ako magpapamasahe.

RJ:  Sige, ikaw ang bahala.

Pagdating nila sa condo ni RJ, tinawagan ni RJ ang masahista at nagpaschedule nga ito.

RJ:  Padating na in an hour yung magmamasahe. Pagkatapos tsaka ka na lang makipagkita kay Patring.

Sam:  Eh kung papuntahin ko na lang sila dito, ok lang ba?  Wala din kasi akong ganang magikot sa mall eh alam mo naman yung mga yon.

RJ:  Ok lang din, kaya lang walang pagkain dito, we'll have to order from outside puro beer, wine at tubig lang ang laman ng ref ko.

Sam:  Don't worry akong bahala, madali naman maglambing sa mga girls eh lalo na at may suhol na pasalubong.

Nagtawanan ang dalawa.  Tinawagan ni Sam si Patricia habang naliligo si RJ.

Sam:  Hi Pat! Yah kadarating lang namin.  Pagod eh so we decided to relax dito sa condo ni RJ. Pat, pwede bang dito mo na lang kunin yung pasalubong mo and can you buy food for us na lang, bayaran ko na lang dito?

Patricia:  Oo naman, ikaw pa malakas ka sa akin, nagpapamanicure lang kami ni Maine pagkatapos namin dito punta na kami dyan dont worry about the food na ok?!

Sam:  You're the best Parting kaya love kita eh. I mean...

Patricia:  I know what you mean nadulas ka na huwag mo ng bawiin. Love din naman kita as a friend eh di ba?  O sige na we'll see you guys later.

Dumating ang masahista eksaktong paglabas ng banyo ni RJ, nagpamasahe na ito habang si Sam naman ang naligo.  After an hour si Sam naman ang nagpamasahe at naglilinis  naman ng salas at kusina si RJ.  Nang matapos si Sam sa pagmamasahe tapos na din maglinis si RJ.  Makalipas ang isa pang oras dumating si Patricia at Maine na may bitbit na plastics ng groceries. Nagbeso si Sam at RJ sa mga dalaga.

RJ:  Oh ang dami naman niyan.

Patricia:  Sabi ni Sam, wala kayong food at may pasalubong daw kayo so to return the favor ipagluluto namin kayo ng dinner.

Sam:  Ang sweet mo Patring, what's for dinner?

Maine:  Surprise, mamaya na lang. Oh asan na pasalubong ko?

Ibinaba nila ang mga groceries sa kitchen at inayos habang kinukuha nila ang pasalubong.  Bumalik si RJ sa kitchen bitbit ang isang clinique at  l'oreal paper bag.

RJ:  One of your favorite perfume and yang isa sabi ng sales lady bagong maskara daw at liquid foundation.

Maine:  Bes, you remembered my fav perfume. Sosyal ng brand ng makeup. Thanks!

RJ:  Naku, ikaw pa kapag hindi magandang brand baka ibato mo pang pabalik sa akin Bes.

Maine:  Grabe ka naman sa akin  Bes.

My DreamgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon