Chapter 2: Don't Assume

114K 2.9K 503
                                    

Chapter 2

NANDITO kami ngayon ni Kaye sa canteen habang pasimple akong sumusulyap sa lugar kung nasaan si Xander na kasalukuyan na nag-iisang nakaupo sa isang sulok.

Napansin ko din na hindi pa siya kumakain kasi isang bote lang ng tubig ang nasa ibabaw ng kanyang mesa.

Napasimangot ako ng mapansin ko na pasimple siyang kinukuhanan ng  litrato ng mga babaeng nasa loob din ng canteen na tulad ko at pasimpleng sumusulyap kay Xander.

Bakit napaka-gwapo ng nilalang na'to? Dahil sa kagwapuhan niya nagmumukha siya na lalaking anime dahil sa sobrang perpekto ng mukha niya at hindi lang 'yon matangkad din siya at sobrang puti ng balat na parang hindi pa nasisinagan ng araw. Simple lang ang buhok niya na wala manlang bahid na kaunting gel.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa din napapansin na madami na ang kumukuha siya ng litrato dahil busy siya sa pagtitipa sa phone niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa din napapansin na madami na ang kumukuha siya ng litrato dahil busy siya sa pagtitipa sa phone niya. Napaisip tuloy ako kung may katex ba siya o naglalaro ng online games.

Samantalang si Caleb naman ay nasa principal office dahil pinatawag siya ng aming principal. Lalaban siguro siya ng chess dahil siya lang naman ang pambato ng school namin sa larangan ng paglalaro ng chess.

Samantalang ang kakambal niyang si Xander ay member ng isang banda dito sa school na ang tawag ay Heartless band.

Isa din 'yon sa nagustuhan ko kay Xander dahil madami siyang talento. Magaling din siyang magbasketball at sobrang sikat sila ng mga kabanda niya dito sa buong campus maging sa labas ng paaralan.

Sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa kambal kung anak sila ng isang famous fashion designer na si Tita, Alexandra at isang lalaki na may ari ng kompanya ng mamahaling sasakyan at sikat din na artista at modelo na si Tito, Drake Andrew Cortwar.

Hindi ko maintindihan kung bakit kahit na sobrang sungit niya madami pa din ang nagkakagusto sa kanya.

Madami ding kababaihan ang gusto akong maging kaibigan pero alam ko hidden agenda nila dahil alam nila na magkababata kami ni Xander. Gusto nila mapalapit sa kambal.

Mabait naman ako pero hindi ko hahayaan na gamitin lamang nila ako para lamang sa kambal at hindi ako isang laruan.

"HOY!!"

Agad akong nabalik sa realidad ng sigawan ako ni Kaye kaya halos mapahawak ako sa bandang puso ko dahil sa gulat sa pagsigaw niya.

"Baka gusto mong kuhanin na ang mga ini-order mo. Wait! Bakit dalawang kanin at dalawang ulam at dalawang juice, ganyan kana ba katakaw ngayon?" tanong niya habang kunot-noong nakatingin sa binili ko na pagkain.

"Ibibigay ko kay Xander ang iba." nakangiti kong sabi sa kanya samantalang inirapan niya lang ako dahil sa sinabi ko

"Na naman? Tapos ano? Itatapon niya ulit sa harapan mo. Ang tanga mo talaga Avery bakit kasi sa dinami-raming nagkakagusto sayong lalaki sa kanya mo pa napiling magpakatanga." Inis na sabi niya sa akin at hindi lang 'yon inirapan niya din ako pero sanay na ako sa kanya kaya wala na sa akin 'yon.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon