Chapter 30: Church

63.9K 1.7K 254
                                    

Avery's POV

Binato ko ng unan si Caleb kasi kanina pa siya paikot-ikot habang nakatingin sa kanyang phone. Minsan naman ay napapakamot siya sa batok at napapamura.

Sinamaan niya ako ng tingin at pabagsak na umupo sa sofa habang tinatakpan niya ng palad niya ang mukha niya.

"Ano ba ang problema mo?"

Umupo ako sa tabi niya.

"Wala,"

Sumandal siya sa sofa habang nakapikit ang mata niya.

"Huwag mo akong lokohin Caleb, si Mindy ba?"

Natigikan siya sa sinabi ko.

"So, siya nga?" muli kong tanong.

Malapad na ang ngiti ko kasi hindi ko akalain na malakas na ang epekto sa kanya nk Mindy.

"Bakit ganun? Kung kailan naamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya tsaka naman siya umiwas," malungkot niyang wika.

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Ako rin Caleb, kung kailan sinabi niyang mahal niya ri  ako tsaka naman ako umiwas. Bakit nga ba?

"Hindi ko rin alam," tugon ko.

Bigla niyang ginulo ang buhok ko, sumunod naman ay pinisil niya ang magkabila kong pisngi na parati niyang ginagawa.

Para siyang kabute na bigla na lang susulpot sa bahay namin para makikain. Kaming dalawa lang ang naiwan dito dahil pumunta sina mom kina lolo kasama si bundo.

Gusto ko rin sana sumama kaso si Caleb ayaw niyang umuwi sa kanila. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magpaiwan para may kasama si Caleb. Alam kong kailangan niya rin ako. Ako naman dapat ang tumulong sa kanya dahil siya naman ang nangangailangan.

"Ang pangit mo!" aniya.

Pinisil niya ang tungki ng ilong ko kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil feeling ko ay namumula na ang ilong ko sa kakapisil niya.

"Mas pangit ka naman, Caleb!" sabi ko.

Pinisil ko rin ang pisngi niya kaya napangiwi siya.

"Ma-sha-ket.."

Natawa naman ako kasi paiyak na siya dahil sa pagpisil ko.

"Hey!"

Sabay kaming lumingon ni Caleb sa taong dumating. Napansin ko agad ang pagkunot ng noo ni Caleb ng makita si Luke. Samantalang si Luke naman ay ang lapad ng ngiti habang nakatingin sa akin.

"Good morning!" he greeted.

Umupo naman siya sa gitna namin ni Caleb.

"What are you doing here Mr. Nerd?" tanong ni Caleb habang ang sama ng tingin kay Luke.

Kinurot ko ang pisngi ni Caleb at sinamaan ko siya ng tingin. Sobrang sungit talaga ng lalaking 'to kay Luke na tulad ng nararamdaman niya kay Kaye.

"Susunduin ko si Avery," tugon nito.

Nilingon niya ako habang may ngiti sa labi niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya na sinusundo niya ako. Wala naman kaming napag-usapan na pupuntahan.

"At saan kayo pupunta?" taas kilay na tanong ni Caleb kay Luke habang dumako naman ang tingin ko kay Luke.

"Sa simbahan," tugon nito.

"Ano'ng  gagawin niyo sa simbahan?" muling tanong ni Caleb habang puno ng pagtataka.

"Ihaharap ko lang kay Lord ang babaeng dadalhin ko sa altar sa tamang pamahon," wika nito na ikinapula ng mukha ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon