Chapter 22: The Nerd?

72.8K 2K 109
                                    

Chapter 22

Hinayaan ko na lang siya na sumunod sa akin. Wala akong ideya kung saan ako dinadala ng mga paa ko at napansin ko na lang na nasa isa kaming park.

"Tungkol sa sinabi ko sa'yo kanina," panimula niya kaya tumingin ako sa kanya pagkatapos ay umupo ako sa may duyan at mahinang iniugoy gamit ang mga paa ko.

"Hmm?"

Tahimik siyang umupo sa katabi kong duyan at mahinang inugoy na tulad ng ginawa ko at malakas siyang bumuntong hininga.

"Katulad mo din ako," malungkot niyang saad.

"Huh?" nagtataka kong tanong sa dahil wala akong ideya kung ano ang sinasabi niya.

"Tanga," tugon niya at kahit ganun siya alam ko na malungkot siya kasi nahahalata ko sa mata niya.

Tanga? Pareho kaming tanga pagdating sa pagmamahal. Gano'n ba ang ibig sabihin niya?

"Sobrang mahal ko siya pero dahil sa pagmamahal ko nabulag ako kasi hindi ko nalaman na niloloko niya na pala ako. Alam mo kung ano pa ang mas masakit? Sa mismong kaibigan ko pa siya napunta. Hindi ko alam na sa tuwing wala ako ag niloloko na pala nila ako. Tulad mo din ako na mapagpanggap. Kunwari hindi ko alam ang nangyayari sa kanila. Kunwari wala lang sa akin at kunwari masaya ako. Kunwari hindi ako nasasaktan," tumigil siya saglit pagkatapos ay tumingala sa kalangitan.

"... that's life."

Tahimik lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi lang pala ako ang nasasaktan ng ganito. Meron pa palang tao na ngayon ay wasak ang puso dahil sa pagmamahal.

"Subukan mong kalimutan siya katulad ng ginawa ko."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya. Hindi mababakas sa mata niya ang lungkot dahil mukhang naka move on na siya.

Madali bang kalimutan ang taong naging mahalaga sayo kahit na wala naman siyang pakealam sayo?

"Hindi madali pero dadating din 'yong araw na tatawanan mo nalang ang sarili mo at mapapasabi nalang na 'Minahal ko ba talaga ang lalaking 'yan?.' at sa puntong 'yon siya naman ang maghihinayang dahil sinayang niya ang isang tulad mo," seryosong sabi niya habang nakatitig siya sa mata ko.

Hindi ko maipag-aakila na sobrang gwapo niya. Siguradong madaming babae ang nagkakagusto sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Susubukan ko kahit na mahirap," nakayukong tugon ko habang pinagmamasdan ang kulay puti kong sapatos na may kaunti ng putik.

"Tutulungan kitang makalimutan siya," aniya kaya nagtataka akong tumingin sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"T-tulungan mo ako? Paano mo gagawin 'yon?" nagtataka kong tanong kasabay ng paggalawa ko ng binti ko para gumalaw ang duyan.

"I will distract you sa tuwing makakasalubong mo siya kukuhanin ko ang atensyon mo at kung kinakailangan kong takpan ang mata mo gagawin ko," seryoso niyang sabi habang nakatitig lang sa mata ko.

"Why? Bakit kailangan mong gawin bagay na yon? We just met 1 hour, 15 minutes and 21 seconds ago pero bakit kailangan mo na agad akong tulungan?" nagtataka kong tanong sa kanya dahil hindi niya pa naman ako masyadong kilala.

Bigla siyang natawa habang tinitingnan ang relo niya kasabay ng kanyang pagtango. Oo, binilang ko ang oras na kasama ko siya.

Pansin ko na napakabagal ng oras kapag kasama ko siya.

"Dahil gwapo ako," mahangin niyang saad at kinindatan ako.

Napansin niya na tahimik ako kaya sumeryoso din ang mukha niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya at alam ko sa sarili ko na never ko pa siyang nakita o nakausap.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon