Chapter 34: Belong

61.8K 1.7K 213
                                    

Chapter 34

Skyler's POV

Nakatitig lamang ako sa dalawa habang nakakuyom na ang kamay ko dahil sa galit. Sobrang nagseselos na ako at gusto ko siyang agawin sa lalaking 'yon.

"Sh*t!" agad na lumabas sa bibig ko at mabilis na nagtago sa likod ng basurahan.

Mapapamura kana lang talaga dahil sa dinami-rami ng pwedeng lugar na taguan dito pa sa likod ng basurahan ang napili ko.

Mabuti nalang at puro mga papel ang nasa loob ng basurahan kaya kundi baka ay kanina pa ako dinapuan ng mga langaw dito.

Tumigil sila sa paglalakad at hinawakan ng gagong 'yon ang kamay ng mahal ko. Damn! Biglang nag-init ang dugo ko ng guluhin naman ng gagong yun ang buhok ni Sey.

Are they together? Hindi ako papayag na may mahalin siyang iba bukod sakin. Dapat ako lang ang laman ng puso niya at wala ng iba pa.

Alam kong tanga ako dahil niloko ko siya pero mahal na mahal ko siya at nagsisisi ako. Gusto kong patunayan sa kanya na totoo ang sinasabi ko na mahal ko siya. Papatunayan ko din na hindi ako isang playboy na inaakala niya dahil siya lang ang mamahalin ko hanggang dulo.

Lumabas na ako sa kinatataguan ko dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko. He's flirting with my girl at hindi ko hahayaan na landiin niya ang mahal ko.

Hinawakan ko ang braso ni Sey at hinila siya papalapit sa akin. Bakas sa mukha niya ang gulat at akmang itutulak ako ng yakapin ko siya habang ang sama padin ng tingin ko sa gagong yun.

"Back off dude!" matigas kong wika habang siya naman ay tiim-bagang na nakatingin sa akin.

"Who the hell are you?" tanong niya habang nakakuyom ang kanyang kamao at balak akong suntukin.

"I'm her boyfriend." nakangisi kong sabi at bigla siyang napasinghap ng sabihin ko 'yon.

"Ex." tipid na sabi ni Sey at tinulak ako palayo sa kanya kaya nabitawan ko siya.

Biglang ngumisi ang gagong 'yon dahil sa sinabi ni Sey. Damn! It hurts dahil tinatanggi niya na wala na kami. Sabagay sobra ko siyang sinaktan kaya tinatanggi niya ang lahat at kasalanan ko lahat 'yon.

We don't have official break up kaya alam ko na kami parin hanggang ngayon. Kahit na hindi kami nagkakasama na ulit kami parin kasi wala naman kaming closure na dalawa.

"I'm still your boyfriend." wika ko at nakita ko ang galit sa mukha niya ng sinabi ko 'yon na kulang ay sampalin ako.

"Naririnig mo ba ang sinabi mo Sky? Sa tingin mo ba tayo parin hanggang ngayon? Baka nakakalimutan mo Sky na ikaw mismo ang nang-iwan sa akin para lang ipagpalit ako sa iba. Pinagpalit mo ang tatlong taon natin ng dahil sa pagiging babaero mo. Kaya huwag mong sabihin sa akin na may relasyon parin tayo hanggang ngayon dahil matagal ko ng tinapos ang lahat na namamagitan sa ating dalawa." gigil niyang sabi habang dinuduro ako at pansin ko din ang pag-iiba ng boses niya at ang pamumula ng mata niya dahil konti nalang ay iiyak na siya.

Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niya. Umupo ako sa sahig at sinandal ko ang likod ko sa dingding habang sinapo ko ang mukha ko.

Damn! Wala akong nagawa dahil hinayaan ko lang na ilayo sa akin ng gagong 'yom ang mahal ko.

Bukod sa kumikirot ang puso ko dahil sa sakit ay nararamdaman ko din na humahapdi ang mata ko.

Pinipigilan ko ang huwag umiyak dahil nakakabakla pero sh*t! Kusang lumabas sa mata ko ang luhang kanina kopa pinipigilan ng sinabi niya ang mahabang katagang yun.

"Oh ghad!"

Mas lalo kong tinakpan ang mukha ko dahil narinig ko ang boses ni Ate Chae. What the hell she's doing here? Mananakit na naman ang aking tenga dahil sa kakasermon niya.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon