Chapter 32
"Finally! I got it,"
Pinakita ni Luke ang hawak niyang spongebob na stuffed toys.
"Okay ka lang ba?"
Hindi ko nagawang ngumiti nang ipakita niya sa 'kin ang hawak niyang spongebob, hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko si Xander.
"Ahh-- okay lang."
I tried to smile.
"Pinaghirapan ko 'tong makuha para mapangiti kita."
"Salamat, Luke."
I hugged the stuffed toys.
Ginulo niya lang ang buhok ko, pagkatapos ay lumabas na kami ng Quantum. Siguro hindi niya nakita si Xander kanina at mas mabuti na rin 'yon.
Napansin ko na papasok kami sa Toy Store kaya pinigilan ko siya dahil hindi ko alam ang gagawin namin do'n. Bigla siyang natawa nang makita ang reaksyon ko.
"Anong gagawin natin dito?"
"I need your help,"
Kinamot niya ang batok niya habang may ngiti sa labi niya.
"Anong maitutulong ko?"
"Gusto kong bilhan ng birthday gift ang pinsan ko kasi ngayong araw ang birthday niya."
Nang sinabi niya 'yon, kaagad ko siyang hinila papasok ng Toy Store. Naghanap kami pareho na pwedeng iregalo sa pinsan niya.
"Ilan taon na ba ang pinsan mo? Girl or boy?" tanong ko habang nililibot ko ang tingin ko sa mga laruan.
"4 years old na siya at baby girl."
Tumango ako at nagtungo sa Doll station. 4 years old pa lang naman ang pinsan niya kaya ibig sabihin naglalaro pa siya ng barbie.
"Maliban dyan,"
Kunot noo naman akong lumingon sa kanya.
"Huh? She's a girl, ibig sabihin mahilig siya sa barbie."
He laughed.
"Mas gusto niya maglaro ng baril-barilan kaysa humawak ng barbie."
Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa laruang panglalaki. Wala akong mahanap kasi wala naman akong ideya sa panlalaking laruan.
Binili na lang namin ay Lego dahil hindi naman boring laruin 'yon. Sunod naman namin na pinuntahan ay National Bookstore.
"I love reading books," aniya habang naghahanap ng libro.
Dahil sa paghahanap ko ng libro, hindi ko namalayang nakalayo na pala ako kay Luke. Akmang aalis na ako sa lugar kung nasaan ako nang bigla ako naningas sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko.
"I love you, Xander."
Nagtago ako sa likod ng bookshelf at hinanap kung nasaan sila. Hindi nga ako nagkamali dahil si Xander at Madison ang nakita ko na magkasama.
Kumirot ang dibdib ko dahil sa nakikita ko. Hawak ni Madison ang kamay ni Xander habang hinahayaan niya lang si Madison.
Why? You said you love me Xander? Kanina lang kasama pa kita sa Quantum tapos ano 'tong nakikita ko ngayon.
"Madison," malamig na banggit ni Xander sa pangalan ni Madison.
Inalis nito pagkakahawak ni Madison sa kanya.
Napansin kong dumako ang tingin sa 'kin ni Madison nang bigla siyang ngumisi.
"Do you love her?" tanong niya at muling sumulyap sa 'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/88830920-288-k29952.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving A Stoned Hearted Man (Completed)
Teen Fiction(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niya pa rin ito. Kahit na hindi siya mahal ng taong mahal niya, handa pa rin siyang maghintay na sana m...