Chapter 17: Change

75.1K 2.2K 536
                                    

Chapter 17

Pagkasarado ko palang ng pinto ng kwarto ay do'n na bumuhos ang luha ko. Akala ko hindi na niya ulit ako sasaktan dahil sa inaakto niya kanina.

Akala ko may nararamdaman din siya sa akin pero bakit ganito? Unti-unti ng nabubuo ang puso ko pero muli niyang winawasak sa isang iglap.

Kulang pa ba ang pagmamahal na pinaparamdam ko sa kanya?. I hate myself for being like this. Bakit nga ba ako umaasa sa taong ni-kailanman ay hindi ako binigyan ng halaga.

Bakit niya pinaparandam kanina na importante ako sa kanya. Sinabi niya na nag-aalala siya sa akin tapos ano?
Wawasakin na niya naman ang puso kong pagod na pagod na.

Hobby na ba talaga niya na paasahin ako at saktan. Tulad no'ng araw nasa locker kaming dalawa. Pinaramdaman niya na mahalaga ako sa kanya tapos kinabukasan parang wala lang ako sa kanya.

"I want you to be happy"

"..but not with me"

Muling pumapasok sa utak ko ang katagang 'yon na nakapagpaguho ng mundo ko. Paano ako sasaya kung siya mismo ang dahilan ng bawat pag ngiti ko.

"Mom" tawag ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Why are you crying baby?" nag aalala niyang tanong habang pinupunasan ang luha ko.

Hindi ko siya sinagot at muli ko siyang niyakap habang umiiyak sa balikat niya.

"What happened? Tell me, I'm really worried."

Hindi ko na kayang itago pa ang sakit ng nararamdaman ko. Mom knows best at lahat ng sasabihin ni Mom susundin ko. Kahit pa ang layuan ko si Xander.

"I'm hurt Mom, really hurt" I whispered while sobbing.

Umupo kami sa gilid ng kama habang patuloy parin ang pagtulo ng luha ko. Mabuti nalang wala pa si Dad at siguradong magwawala siya kapag nalaman niya na si Xander ang dahilan ng pag iyak ko.

Kaya nga sa tuwing kasama ni Tita Xandra si Xander na pumupunta dito hindi ako pinapalabas ng kwarto ni Dad dahil ayaw niya na makita ko si Xander.

Alam ni Dad na mahal ko si Xander at ayaw niya lang akong makitang masaktan.

"It's him?" tanong ni Mom na ikinagulat ko.

Tumunghay ako at sumalubong sa akin ang malungkot niyang mukha. Hindi ko kayang nakikitang malungkot si Mom. I hate myself dahil ako ang dahilan kung bakit siya malungkot ngayon.

"H-how?" gulat kong tanong samantalang hinaplos ni Mom ang pisngi ko at pilit na ngumiti.

"Simula pa no'ng bata ka, " wika niya na ikinalaki ng mata ko.

"P-po?" naguguluhan kong tanong.

"Alam ko na ang bagay na 'yon no'ng bata kapa. Malakas ang pakiramdam ko na nung bata kapa na may crush ka na kay Xander. Palagi mo siyang kinakausap kahit na hindi naman siya nakikinig sayo. Sa tuwing magkasama kayo ni Caleb kay Xander ka nakatingin. Siya din ang dahilan ng pag iyak mo tuwing gabi. Siya din ang dahilan kung bakit gusto mong pumasok ng maaga para mabati lang siya ng "Good morning". Siya rin ang dahilan ng pag ngiti mo kahit na sinasaktan ka niya. I hate Xander for hurting you. Pero wala akong karapatan para diktahan siya. I love you baby at sa tuwing umiiyak nasasaktan ako. I know being hurt is part of being inlove. Naranasan ko ding masaktan nung muntikan na akong ipakasal ni Dad sa lalaking hindi ko naman mahal. Dumating sa punto na gusto kong itanan ako ng Daddy mo. Pero hindi siya pumayag dahil ipinaglaban niya ang pagmamahalan namin. We have you and Justine dahil kayo ang naging bunga ng pagmamahalan namin. I know that you love Xander so much pero anak dapat imulat mo ang mata mo at baka may taong naghihintay na makita mo siya. Hindi lahat ng gusto natin ay pwede nating makuha. I love you so much anak at nirerespeto ko ang lahat ng 'yong desisyon. Stay or let go rerespetuhin ko."

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon