Chapter 29: Destiny

65.4K 1.9K 164
                                    

Chapter 29

Sumakay ako ng jeep dahil balak kong pumunta sa bahay ngayon nina Tita Alexandra. I want to congratulate them because they're having a new part of Cortwar.

Namimiss ko na rin si Baby Scarlet at siguradong nagtatampo na siya sa akin dahil hindi ko na siya madalas dinadalaw sa kanila.

"Good morning Avery," masayang bati ni Manong Guard at pinagbuksan ako ng gate.

"Good morning din po," nakangiti kong tugon at nagmano kay manong guard.

Pumasok na ako sa loob ng kanilang bahay at sumalubong sa 'kin ang katahimikan.

Pumunta ako sa kwarto ni Baby Scarlet at napansin ko na walang tao do'n. Ibig sabihin wala silang lahat dito kasi ang tahimik ng loob ng bahay nila.

Pero bakit hindi ako sinabihan ni Manong Guard na walang tao? Para umuwi na lang ako kasi masasayang lang ang pagpunt ko rito.

"What are you doing here?"

Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Humarap ako sa kanya at napansin ko agad na basang-basa ang buhok niya at pawisan siya. Para siyang nakipag boxing sa kanto sa hitsura niya.

"Practice," tipid kong sagot at kaagad na lumayo sa kanya.

Mabuti na lang naalala ko na siya ang partner ko. Ayokong iba ang isipin niya kung bakit ako nandito.

"Just wait for me here, I'll take a b---" I cut him off.

"NO!!!"

Kumunot ang noo niya at nang ilang segundo ay tumaas ang sulok ng labi niya.

Hindi siya pwedeng maligo lalo na't basang-basa niya ng pawis na baka maging dahilan ng pagkakasakit niya.

"Sure...baby, "

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Namalayan ko na lang na pumasok na siya sa kwarto niya samantalang ako ay tulala pa rin.

Baby..

Pumunta ako sa pool area at umupo sa gilid at inilub-lob ko ang paa ko sa tubig habang nakatingin sa sarili kong reflection.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya umusod ako palayo sa kanya nang maramdamang kong naglapat ang balikat namin.

"What song?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya ang sarap pakinggan.

"Thank you for the brokenheart," I answered.

"I'm serious!"

"Seryoso rin naman ako!"

"Hezekiah!" matigas niyang banggit sa pangalan ko.

"Xander!"

"What the hell?!"

Hinawakan niya ang braso ko dahil sa inis.

"Ano bang problema mo?" inis kong tanong.

Inalos ko ang pagkakahawak niya sa braso ko kasi nakukuryente ako.

"You.. "

"At bakit ako?" naguguluhan kong tanong.

"Why?...why did you stop?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit nga ba? Simple lang, pagod na ako.

"Pwede bang huwag nating pag-usapan ang bagay na 'yan?" pag-iiba ko ng topic.

"No, answer me. Why?" muli niyang tanong.

"Gusto mo talagang malaman?"

He nodded.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon