Chapter 48: Outing

57K 1.6K 170
                                    

Chapter 48

Tumingin ako sa direksyon kung nasaan si Xander at nalungkot ako dahil hindi manlang niya ako tinabunan ng tingin. Dumako ang tingin sa akin ni Tita-- I mean Mommy Xandra at kinawayan ako.

"Hello po." wika ko at kinawayan din siya at tumingin na naman ako kay Xander pero tulad ng una hindi niya manlang ako napansin dahil hindi manlang siya sumusulyap sa akin.

"Good morning everyone."

Rinig kong sabi ng Principal kaya do'n ko na lang tinuon ang pansin ko ng naramdaman kong hinawakan ni Mommy ang kamay ko.

Ngayon ang araw ng graduation namin bilang highschool. Masaya ako pero hindi naman siguro mawawala sa isang estudyante ang malungkot sa araw ng graduation dahil lilisan na sila ng paaralan kung saan sila gumawa ng maraming memories kasama ang mga kaklase at mga kaibigan nila.

Tumingin ako sa pwesto ni Madison ng bigla niya akong nginitian at tulad ng ginawa niya ginantihan ko din siya ng ngiti. Minsan nga gusto kong tanungin silang dalawa ni Luke kung anong meron sa kanila dahil hindi lang isang beses ko silang nakita na magkasama at masaya ako dahil mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa ni Madison.

Sa apat na magkaibigan si Sky lang ang hindi ga-graduate ngayon dahil 3rd year highschool palang siya katulad ng girlfriend niya. Masaya ako para sa kanila dahil kahit pinaglaro sila ng tadhana sila parin palang dalawa ang magkakatuluyan.

Hanggang ngayon nililigawan parin ni Yvan si Kaye. Ewan ko ba sa babaeng 'yun kung bakit hindi niya pa sinasagot si Yvan samantalang pareho naman nilang mahal ang isa't-isa.

Nagulat ako nung inamin ni Yvan na nagkagusto siya sa akin pero nagpasalamat siya dahil kung hindi ko naging kaibigan si Kaye malamang daw hanggang ngayon nanlalandi pa daw siya ng iba.

Si Kuya Mark naman ay masaya nadin sa lovelife niya. Si Ate Chae ang kasama niya ngayon sa halip na ang magulang niya. Hindi ko talaga akalain na yung magiging girlfriend niya pa ay si Ate Chae na kapatid ng kaibigan niya na si Sky.

Masaya ako dahil bumalik na kami sa dati ni Caleb bilang magkaibigan. Gumagawa siya ng paraan para hindi ako mailang sa kanya. Nakausap ko nadin si Mindy at nag sorry ako sa kanya dahil alam kong nasasaktan siya ng dahil sa akin. Sinabi niya na wala naman daw akong kasalanan at handa naman daw siya na intayin na mahalin din siya ni Caleb.

Speaking of Caleb.. nasa harapan siya ngayon at nagsasalita dahil siya ang Valedictorian.

"Hello guys..." nahihiyang sabi ni Caleb at kumamot siya sa batok niya dahil nahihiya nga siya.

"Congratulation sa ating lahat.. ano ba ang sasabihin ko?" sabi niya kaya nagtawanan kami at tumingin siya sa pwesto ko at sinabihan ko siya ng 'Good Luck!" kahit na hindi niya naman ako maririnig.

Nagsimula na siyang magsalita habang kami ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.

"Hindi ko talaga ini-expect na ako ang magiging Valedictorian dahil tamad akong magsulat ng mga lecture. Bakit ko pa nga ba isusulat ang mga lecture kung naituro na naman at ayaw ko nga magsayang ng ballpen at papel kasi mas gusto ko pa matulog." sabi niya kaya natawa kaming lahat.

Tumigin ako kay Xander at nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero kaagad siyang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako pinapansin ngayon.

Nangako siya na sabay kami ngayong pupunta dito sa Murphy pero umasa lang ako dahil nag-intay lang ako sa wala 'yon pala nandito na siya kasama si Mommy Xandra.

"Avery.."

Nanlaki ang mata ko ng tawagin ako ni Caleb gamit ang microphone kaya nagsitinginan silang lahat sa akin.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon