Chapter 24: Too late...

73.8K 2.1K 314
                                    

Chapter 24

"W-what?" gulat kong tanong habang nanlalaki ang mata kong tingin

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako binibitawan at ang lapit parin namin sa isa't isa. Alam ko na kanina pa kami pinapanuod ni Kaye at mabuti nalang dahil hindi siya gumagawa ng kaunting ingay.

"Hindi ko hahayaang may mahalin kang iba, bukod sa akin," seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Mabuti nalang hinayaan niya ako na alisin ang pagkakahawak niya sa akin dahil nakukuryente na naman ko sa tuwing magkalapat ang balat baming dalawa.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa sinabi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa puntong 'yon.

"Ayaw mong makasama kita tapos ayaw mong may mahalin akong iba? Tao kapa ba Xander? Huh? Ang sama mo.. ang sama sama mo dahil hindi mo manlang naiisip ang sakit na nararamdaman ko," nanghihina kong saad habang kagat ko ang ibabang labi ko.

"Kaye? Let's go!" lumabas na siya kung saan siya nagtatago kaya nagsimula na akong maglakad palayo kay Xander.

Pipihitin ko na sana ang pinto ng muli niya akong pigilan. Inis akong humarap sa kanya at pinipigilan ko ang sarili ko na huwag dumapo ang palad ko sa pisngi niya.

"Ano na naman ba?" inis kong tanong habang tumataas baba ang balikat ko dahil sa inis O dahil pinipigilan ko lang ang traydor kong luha na huwag pumatak.

"Let me go!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Let her go Mr. Cotwar!" sabat naman ni Kaye habang ang sama ng tingin niya kay Xander.

"Leave!" matigas niyang sabi kay Kaye  kaya nanlaki ang mata ni Kaye dahil sa sinabi ni Xander.

"At bakit? Tutukain mo na naman ang kaibigan ko? Paasahin mo na naman? Ganyan naman kayong mga lalake e, mga paasa, bwisit sa buhay, gag--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang sipain ni Xander ang pinto at malakas itong nagbukas.

"I said leave!" seryoso nitong sabi habang ako naman ay nakaramdam ng takot dahil ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

"Huhuhu! Susumbong kita kay Bebe Yvan ko." Pagda-drama nito habang naglalakad palabas ng pinto.

"Alright!" tipid niyang sagot kay Kaye samantalang parang umuusok na ang ilong ni Kaye dahil sa inis kay Xander.

"Hoy Mr. Cortwar, siguraduhin mo lang na dalawa lang kayong lalabas dyan ha? Baka mamaya maging tatlo na kayo. Subukan mo lang talagang tatamaan ka sa akin!" ma awtoridad niyang sabi habang ako naman ay tinapalan na ng blush on sa sobrang pula ng mukha ko.

"Fine!" tipid na sagot niya pagkatapos sinira niya ulit ang pinto.

Walang umimik sa aming dalawa kaya naisipan kong umupo nalang sa couch na nandoon. Maituturin ng isang bahay ang silid na 'to dahil kumpleto lahat sa gamit.

Kaya pala hindi ko madalas sila nakikita dahil palagi ata silang nakatambay dito. Minsan wala sila sa klase pero kapag may exam naman sila pa ang nangunguna sa taas ng score.

"May gusto ka bang sabihin?" panimula ko dahil parang wala siyang balak na umimik.

Hindi siya umimik sapagkat kinuha niya lang 'yong gitara niya na kanina lang ay pinagmamasdan ko. Nag-simula siyang mag strum habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.

"Kung wala kang sasabihin mabuti pang umalis nalang ako," hindi parin siya umimik kaya tumayo na ako galing sa pagkakaupo ko at kahit pigilan niya ako na huwag umalis aalis parin ako.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon