Chapter 11: He denied

78.4K 2.3K 210
                                    

Chapter 11

Naglalakad ako sa hallway nang bigla nalang may umakbay sa'kin na  nakasanayan ko na. Kahit hindi ko tingnan kung sino ang umakbay sa akin alam ko na kung sino 'yon.

Walang iba kundi sa Caleb, siya lang naman ang natatanging mahilig na akbayan ako. Sobrang tangkad ni Caleb na hindi yata ako umabot sa kanyang balikat.

"Ang swerte talag ni Avery dahil sobra close na close sila ni Caleb."

"Yeah right, pero malas pa din siya dahil hindi siya mahal ni Xander."

"Hitting two birds with one stone."

Nabigla ako nang biglang takpan ni Caleb ang tenga ko habang mabilis na kaming naglakad. Palagi nalang ako ang hot topic nila kapag nakikita nila ako.

Sanay na naman ako dahil sa araw-araw na ginawa ng diyos palagi nalang nila akong pinaguusapan nila. Sa akin lamang naman nakatuon ang pansil nila dahil sobrang papansin ko daw kay Xander.

"AVERYBEAUTIFUL!!" rinig kong sigaw ni Kaye kaya agad naming hinanap kung nasaan siya at natagpuan namin si Kaye na tatakbong papalapit sa amin.

"Ano'ng problema mo?" tanong ni Caleb sa kanya kaya sinamaan siya ng tingin ni Kaye.

"Hindi ikaw ang kailangan ko kaya manahimik ka. Anyway, tara gurl dahil may ipapakita ako sa'yo, " masaya niyang sabi at agad akong hinila palato kay Caleb kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya.

"WAIT!!" biglang sigaw ni Caleb kaya tumigil kaming dalawa sa paglalakad.

Tumakbo siya papalapit sa aming dalawa at mabilis niyang inalis ang varsity jacket niya at binigay sa akin.

"Ano'ng gagawin ko dito?" kunot noo kong tanong sa kanya pero hindi siya umimik dahil muli niyang kinuha ang varsity jacket na hawak ko at nagtungo siya papunta sa likod ko.

Nakangisi lang si Kaye habang nakatingin sa aming dalawa ni Caleb. Mabuti nalang dahil wala na masyadong estudyante na dumadaan dito sa lugar kung nasaan kami dahil paniguradong issue na naman 'to.

Nanlaki ang mata ko ng niyakap niya ako sa bewang at ipinulupot niya ang braso ng jacket sa bewang ko at tinali.

"Ayaw kong mamanyak ka, Avery. D*mn! Bakit ba ganito kaikli ang palda niyong mga babae?. Kakausapin ko ang principal at sasabihin ko na habaan naman ang palda niyo, " naiinis niyang sabi habang nakakunot ang noo at halata sa mukha niya ang inis.

"Possesive lang ang peg, Caleb?" bulong ni Kaye kaya sinamaan siya ng tingin ni Caleb.

"Thank you, Caleb! " nakangiti kong saad at hinalikan ko siya sa pisngi.

Napansin kong natigilan siya sa ginawa kong paghalik sa pisngi niya. Hindi naman 'to ang first time na hinalikan ko siya sa pisngi dahil minsan ko din naman 'yon ng walang malisya.

Napansin ko din na namumula ang pisngi at ang tenga niya na madaling mahalata dahil sa kaputian niyang taglay.

"HOY!!" biglanh sigaw sa kanya ni Kaye kaya agad siyang bumalik sa wisyo.

"W-welcome," nauutal niyang tugon at agad siyang tumalikod at nagsimula ng  maglakad palayo sa amin.

Napangiti ako ng makita ko ang varsity jacket niya na nakapulupot sa akin. Hindi na masyadong nakikita ang binti ko dahil natatakluban na ng jacket niya.

"Si Caleb na ba?" biglang tanong ni Kaye habang may pang-asar na tingin sa akin.

Hindi ko nasagot ang tanong niya sa halip nagsimula na akong maglakad. Oo! Aaminin ko na may posibilidad na magustuhan ko si Caleb. Siya kasi 'yong tipo ng lalaki na madali mo magugustuhan.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon