Chapter 3: Option

94.7K 2.9K 656
                                    

Chapter 3

Hindi na ako nagulat nang biglang may umakbay sa'kin. Maging ang pabango niya ay kilala ko. Si Caleb ang tipo ng lalaki na hindi  nagpapalit ng brand ng pabango.

"Manunuod ka ng laban ko ng chess ha? Kapag hindi ka nanuod siguradong matatalo ako," nakangiti niyang wika.

Patuloy kaming naglalakad habang naka-akbay pa din siya.

"Oo naman promise, lahat ng pangako ko ay tinutupad ko. Atsaka ikaw paba na kaibigan ko syempre nandun ako para suportahan ka."

Ginulo niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"That's my girl!"

Hindi na ako nagulat ng tawagin niya akong 'My girl'. Kasi wala naman malisya ang pagtawag niya sa'kin ng gano'n, magkaibigan na kami simula pa noong mga bata kami.

Minsan nga naisip ko paano kaya kung magka ugali silang dalawa ni Xander na pareho silang maging masayahin paniguradong mas madami ang magkakagusto kay Xander.

Kung ano ang ugali ni Caleb kabaliktaran naman ng ugali ni Xander kahit na kambal silang dalawa.

Para silang magnet na positive at negative. Pero kahit na ganun hindi ko pa silang nakikitang nag-aaway.

Kapag ngumiti si Xander katulad din ng kay Caleb. Mas lalo gumagwapo si Caleb kapag ngumingiti siy.

Paano kaya kung si Xander naman ang ngumiti. I think once in a blue moon ko lang siya nakikitang ngumiti.

"Ate Avery!"

Binuhat ko kaagad siya habang siya naman ay pinugpog ako ng halik sa mukha.

Masiyahing bata ang nakakabatang kapatid ng kambal, hindi din maarte kaya magkasundo kaming dalawa na para bang magkapatid na kami.

"Hello Baby Scarlet!" nakangiti kong bati.

"Paano naman ang Kuya? Yakapin mo din ako, baby," wika naman ni Caleb.

Mabilis ko naman siyang binaba, tumakbo siya papalapit kay Caleb at niyakap niya ang Kuya niya. Ang sarap  nilang tingnan dahil sobrang close nilang dalawa.

Si Scarlet ay ang bunso nilang kapatid. Tatlong tao  na siya at sobrang hyper. Si Xander lang talaga ang naiiba dahil masungit ang lalaking 'yon na para bang pinaglihi sa sama ng loob.

"Avery!"

Tmingin ako sa tumawag sa'kin, kaagad akong lumapit kay Tita Sandra at niyakap ko siya.

Iniidolo ko siya kasi isa siyang magaling na fashion designer.

"You're so sweet, Avery," nakangiting sabi ni Tita.

"Mom, pasa na po ba siya?" tanong ni Caleb na ikinakunot ng noo ko.

Tumingin ako kay Caleb na may halong pagtataka sa mukha ko. Ano'ng pasa? Saan?

"Sobra," sagot ni Tita.

Nandito kami ngayon sa bahay nila, niyaya ako ni Caleb na pumunta sa bahay nila atsaka palagi naman akong nandito kahit no'ng bata pa ako. Kaya nga madalas kung nasusulyapan si Xander sa tuwing nandito ako.

Kapag nagkakasalubong kami ng landas hindi manlang niya ako tinitingnan na para bang hangin lang ako.

Never niya akong kinausap maliban nalang kapag naiirita na siya dahil sa kaingayan ko kaya sinasaway niya ako para tumahimik lang ako.

"Mom!"

Napako ako sa kinatatayuan ko ng tumingin siya sa'kin, makalipas ng limang segundo ay mabilis niyang iniwas ang tingin sa'kin at lumapit siya kay Tita para yakapin.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon