Chapter 8: Puppy

79.4K 2.5K 447
                                    

Chapter 8

Hindi ako makapaniwala na kasama ko silang apat habang kumakain. Bigla nalang kasi akong hinila ni Sky at sinama dito sa canteen. Wala naman akong nagawa kaya sumama nalang ako sa kanila.

Alam kong gusto akong pigilan ni Caleb na huwag sumama sa kanila. Ayaw niya lang talaga na makakasama ko silang apat lalong lalo na si Xander.

Masasaktan lang daw ako kapag nasa iisang lugar kami at alam ko naman ang bagay na 'yon. Tatanggapin ko nalang basta't ang mahalaga makasama ko lang si Xander.

Ang tanga ko diba? Oo! Ganyan ako katanga at alam kong hindi lang naman siguro ako ang nag iisang nakakaranas ng ganito.

Sana huwag silang sumuko at mapagod. Balang araw mapapansin din nila ang halaga nating mga nagmamahal at magkakaroon tayo ng puwang sa kanila.

"Malandi talaga."

"Gosh! Bakit kasama niya ang Heartless band, siguro pinainom niya ng gayuma."

"Sa likod ng inosenteng mukha, may kalandiang hindi mo inakala"

Napayuko nalang ako at hinigpitan ko ang pagkakawak ko sa palda ko. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nila pero nasasaktan parin ako sa mga salitang lumalabas sa bibig nila.

*BLAAG*

Nagulat kami ng biglang hampasin ni Xander ang lamesang nasa harapan namin. Maging ang tatlo naming kasama ay gulat na gulat din habang nakatingin kay Xander.

Tumayo si Xander at sinipa niya ang isang upuan na nasa tabi niya kaya napasinghap ang lahat dahil sa ginawa miya.

"FVCK! CAN YOU PLEASE SHUT THE FVCK UP YOUR DIRTY MOUTH?! MIND YOUR OWN FVCKING BUSSINESS!!" inis niyang sigaw habang nakatingin sa mga taong nagbubulungan kanina sapagkat hindi na niya siguro nakayanan ang ingay dahil pagtapak palang namin dito ay nag-uusap na sila.

"Sorry po."

"Hindi na po mauulit."

Bilang kumaripas ng takbo ang mga babaeng kanina lang ay pinag uusapan ako samantalang ako ay gulat na gulat pa din habang nakatingin sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na 'yon. Sapagkat niligtas niya ako sa mapanghusgang mga mata nila.

"Kalma dude!"natatawang sabi ni Sky at akmang hahaplusin ang likod ni Xander ng samaan siya nito ng tingin.

"Fvck you!" mura niya habang masama parin ang tingin kay Sky samantalang tinawanan lamang siya ni Sky.

"Minumura niya ako Ate Avery, gawa ka naman ng paraan dahil alam kong ikaw lang ang makapagpatiklop sa kanya, " nagpapaawang sabi sa akin ni Sky kaya alam kong iniinis niya lang si Xander.

"Kabaklaan," sabat naman ni Yvan kaya sinamaan siya ng tingin ni Sky.

"Hindi ka kasali sa usapan namin so better shut up kana lang dude." aniya at binelatan si Yvan.

Sobrang cute talaga ni Sky dahil mas bata siya sa amin ng dalawang taon. 2nd year pa lang siya pero kahit gano'n naging magkakaibigan silang apat dahil sa mga talento nila.

"TAHIMIK! Nandito tayo para kumain hindi para mag away, " mariing sabi ni Mark kaya tumahimik na silang dalawa

Takot silang dalawa kay Mark lalo na kapag ganito na ang tono ng pananalita niya dahil seryoso na talaga siya.

"She's not eating crab, " biglang sabi ni Xander kaya nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya samantalang si Sky naman ay hindi itinuloy ang paglalagay niya sana ng crab sa plato ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon