Chapter 36
Kaye Ann's POV
"Damn!"
Padabog siyang umupo sa couch na nasa harapan ko habang nakatingin lang ako sa kanya.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magkasama kami ngayon. Bigla na lang niya kasi ako na hinila at dinala sa secret place nila.
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil kasama ko siya. Hindi ko naman talaga akalain na magugustuhan ko ang cassanovang 'to. Bigla ko na lang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Bakit mo ba ako dinala rito?"
Namula na lang ang mukha ko nang maalala ko ang pagpasok namin ni Avery sa lugar na 'to.
"Damn!" muli niyang mura at kumuha sa ref ng isang bote ng tubig at ininom.
Parang slow motion ang galaw niya habang tumataas baba ang adams apple niya. Hinawakan ko ang labi ko at baka hindi ko namalayang tumulo na ang laway ko. Dahil shitness talaga dahil ang HOT niya. Ano ba ang ginagawa mo sa aking lalaki ka at sobrang gusto na agad kita.
"Ang gago niya!" inis niyang sabi at sinipa ang couch na nasa harapan niya kaya napitlag ako dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon.
"Pwede bang sabihin mo muna sa akin kung ano ang nangyayari sayo para hindi ako magmukhang tanga dito?" gigil kong sabi dahil kanina pa siya ganyan simula pa ng hinila niya ako.
Matapos niya ako dalhin dito hindi niya ako kakausapin. Anong gusto niya? Panuodin ko siyang magwala dito kung mas mabuti sana kung mag macho dance siya sa harapan ko mas gaganahan pa akong panuodin siya.
"Red." seryosong sabi nito at kumuyom ang kamao niya.
"Xander?" tanong ko kahit na alam ko na si Xander talaga 'yon. Gusto ko lang naman makasigurado.
"Yeah! That asshole!" gigil niyang sabi kaya napailing ako dahil parang hindi niya kaibigan si Xander.
"Anong meron sa kanya?" nagtataka kong tanong at nakahinga ng maluwag ng kumalma na siya.
"Napakalaki niyang GAGO!" gigil niyang sabi habang nakakuyom ang kamao niya.
"I know, siya ang valedictorian sa pagiging GAGO!!" inis ko ding sabi dahil kumukulo ang dugo ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng lalaking 'yon. Lalo na't siya palagi ang dahilan ng pag-iyak ng kaibigan ko.
"So? Mind to tell me kung bakit galit na galit ka sa kanya?" nakataas ang isa kong kilay na tanong sa kanya.
Tumingin siya sa akin at bigla siyang tumayo at pagkatapos ay naglakad papunta sa pwesto ko.
"Mind to tell me kung bakit mo ninakaw ang relo ko?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko.
Siniksik ko ang sarili ko sa likod ng sofa ng mas lalo pa siyang lumapit sa akin at idinantay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng couch kaya na-corner niya ako.
Napalunok ko habang nakaawang ang labi ko dahil sa kaba.
"A-ano ba? Umalis ka nga dyan" kinakabahan kong wika at pilit ko siyang tinutulak palayo sa akin dahil konting lapit pa magkakapalit na kami ng mukha.
"Paano kung ayaw ko? Sagutin mo ang tanong ko. Bakit mo kinuha ang relo ko?" seryoso niyang tanong habang ganun padin ang pwesto niya.
"A-ang astig kasi, he-he!" awkward kong sabi at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Alright!" sabi nalang nito sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag ng nilayo niya ang mukha niya sakin. Hindi ko inaasahan na muli niyang ilalapit ang mukha niya kaya napapikit ako.
BINABASA MO ANG
Loving A Stoned Hearted Man (Completed)
Ficção Adolescente(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niya pa rin ito. Kahit na hindi siya mahal ng taong mahal niya, handa pa rin siyang maghintay na sana m...