Chapter 27: Tatto

66.7K 2K 201
                                    

Chapter 27

Hindi ko alam ang ire-react ko nung mabasa ko 'yon. Dapat ba akong kiligin? o mainis dahil kung kaila  pilit ko siyang inaalis sa puso ko tsaka naman siya nagpupumilit na manatili dito.

Kasi sa kakaganyan niya, tanga na naman ako.

Sa halip na punitin ko 'yong sticky note, naisipan kong itago na lang. Dahil sa oras na maka move-on na ako sa nararamdaman ko sa para kanya, sabay-sabay kong susunugin lahat ng letter at Diary na gawa ko para sa kanya.

Na kahit minsan hindi ko binigay sa kanya dahil alam kong pupunitin niya lang 'yon sa mismong harapan ko. Ganyan siya manakit ng feelings ng tao, harap-harapan.

"You want this?" tanong ni Luke at tinuro sa akin ang sinigang na baboy na paborito ko.

Tumango ako at nilibot ko ang tingin ko. No sign of him, nasaan kaya siya? Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil hinahanap-hanap ko parin siya kahit na nasasaktan ako.

"Where are you going?" biglang tanong ni Luke habang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.

Tumingin sa akin si Kaye at bumuntong hininga.

"Pabaayaan mo siya." umiiling na sabi niya at tinuloy na ang pagbili ng pagkain.

"Tinker bell has always been there for Peter but Peter always chose Wendy. Now I know," wika niya at tipid siyang ngumiti.

Nagsimula na akong maglakad palaya sa kanila. Ibig sabihin ng sinabi niya ako si Peter Pan na kahit nandyan si Luke para damayan ako mas pinipili ko parin si Xander na sakit lang ang dulot sa akin.

Luke.. kaya mo ba akong intayin? Kasi kapag nakalimutan ko siya ng tuluyan, sa'yo ko ipagkakatiwala ang puso ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Mindy at Caleb na parang nag-aaway. I missed Caleb, dati-rati sabay kaming kumain.

Minsan sinusubuan niya pa ako, tuwing maglalakad naman ako mag-isa bigla siyang susulpot at aakbayan ako at gugulihin ang buhok ko.

Maiinis sa Principal dahil bakit daw sobrang ikli ng palda naming mga babae. Paano daw kung mamanyak kami.

Lalagpasan ko na sana sila ng may narinig ako na nakapagpatigil sa akin.

"Ayaw ko na, hanggang kelan Caleb? Hanggang kelan ako magpapakatanga sayo? Nasasaktan ako dahil sa tuwing magkasama tayo ang pinsan ko ang bukambibig mo. Si Avery na kaibigan mo at mahal na mahal mo. So ano ako? Ginagamit mo lang? Ano?" tanong ni Mindy habang tumataas baba ang balikat niya.

Why? Why Caleb, bakit kailangan mong higitan ang nararamdaman sa akin. All this time nagpapanggap lang pala sila na may relasyon sila.

Habang nasasaktan ako at umiiyak may taong palang nasasaktan ng hindi ko alam.

Sa tuwing tumatakbo ako at hinahabol ko ang lalaking mahal ko meron palang pagod na pagod na naghahabol sa akin ng hindi ko alam.

"I-im sorry! " rinig kong sabi ni Caleb.

Tumingin sa direksyon ko si Mindy at pinilit na ngumiti. Nakikita ko ang sarili ko sa kanha. Akala ko sa bawat ngiting pinapakita niya lahat totoo. 'Yon pala nagpapanggap din siya na masaya kahit hindi.

"She heard me, your love" aniya at iniwan si Caleb na nakayuko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Naiinis ako sa kanya dahil pinaiyak niya si Mindy pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil ang manhid ko.

"I-im so stupid" bulong niya at habang nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko.

He's crying.. nararamdaman kong nababasa ang balikat ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon