Chapter 46: Lovebirds

58.6K 1.8K 211
                                    

Chapter 46

"Hindi mo ba kakainin 'yan?" tanong sakin ni Kaye habang nakangusong nakatingin sa plato ko na may lamang pagkain.

"Wala akong gana."

Sumandal ako sa upuan habang lutang pa rin ang isip ko.

"Bago yan ha?! Ang isang Avery tinanggihan ang pagkain?! Change is coming na ba?.." nang-aasar na sabi ni Kaye pero hindi ko siya pinansin.

Nasaktan ako ng malaman ko na naging sila ni Madison. Alam kong matagal na araw na ang nakalipas ng maging sila pero ang sakit parin talaga.

Malay ko bang may relasyon parin silang dalawa hanggang ngayon. Sa tuwing naiisip ko 'yon parang sinasaksak ko ang sarili ko dahil ang sakit. Siguro minahal ni Xander si Madison kaya hindi niya ako pinapansin noon.

"Kung ako sayo puntahan mo siya at kausapin mo ng maayos ng masagot na ang malaking question mark sa utak mo." Sabi ni Kaye na ngayon ay tapos ng kumain habang hinahaplos ang tiyan niya dahil sa kabusugan.

"H-hindi ko kaya." nakayuko kong sabi at kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Hindi mo kaya? Nasaan na ang matapang na Avery na kaibigan ko? Ang Avery na kahit nasasaktan na ngumingiti parin. Nasaan na?" tanong niya at hindi ko mapigilang mapangiti.

"Nandito lang ako..." nakangiti kong sabi at ngumiti din siya.

"Nandyan kalang pala kaya go to the flow na gurl. Space lang naman hiningi mo sa BOYFRIEND mo bakit naging isang linggo na hindi mo pinapansin? Maawa ka naman sa lalaking 'yon, baka mamaya maisipan nung magbiti at mabalitaan nalang natin na 'Isang lalaki nagbiti ng dahil lang sa pag-ibig' Go na gurl, iniintay ka niya." nakangiti niyang wika at marahan akong tinulak palabas ng canteen.

"Thank you, Kaye." nakangiti kong sabi at hinalikan ko siya sa pisngi.

Nagsimula na akong maglakad ng makasalubong ko si Madison. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Avery."

Napahinto ako sa paglalakad ko ng tawagin niya ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanya at sumalubong sa akin ang walang emosyon niyang mukha.

Alam kong galit siya sakin dahil inagaw ko ang boyfriend niya. Inagaw ko ba talaga? Ang alam ko lang mahal niya ako..

"Can we talk?" seryoso niyang tanong sa akin.

Tumango ako at nagsimula na siyang maglakad. Sumunod ako sa kanya ng mapansin ko na sa field kami pupunta.

Umupo siya sa damuhan kaya ganun din ang ginawa ko pero malayo ang distansya naming dalawa. Naiilang kasi ako sa kanya sapagakta ng dahil sa akin nagkahiwalay silang dalawa.

"I hate you." malamig niyang wika at kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.

"I really hate you." muli niyang sabi at hindi kona nakayanan tumingin na ako sa kanya at napansin ko na may tumulong luha sa mata niya.

"Minahal ko naman siya at pinaramdam ko naman sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero bakit ganun? Kulang parin.." humihikbi niyang sabi.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tahimik lamang ako na nakikinig sa kanya.

I want to hug her right now dahil ramdam ko ang sakit ng nararamdaman niya.

"He's my boyfriend." sabi niya kaya natigilan ako.

"I mean ex." dugtong niya sabay napairap.

Gusto kong ngumiti pero paano ko magagawa'yon kung may taong may nasasaktan ng dahil sa akin, sa amin..

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon