Chapter 21: Should I?

71.1K 1.9K 323
                                    

Chapter 21

Ginawa ko na ang lahat hindi parin sapat. Nasasaktan na ako't lahat pinagpatuloy ko parin ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa pagpapakatanga ko sa kanya.

Akmang aalis na ako nang mapansin ko na namumula ang tenga niya at hindi rin siya mapakali. Kumunot ang noo ko dahil pansin ko din na pinagpapawisan siya.

Nangyari na 'to dati, noong aksidente niya nainom ang alcohol na inaakala niya ay tubig. Don't tell me?

Gustong kong matawa dahil bakit ganito? Bakit kailangan ko pang mag-aala sa kanya kung gayong siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Kung bakit palagi nalang ako ay umiiyam.

Bahala na nga dahil ngayon nalang ulit 'to. Nag-aalala ako sa kanya, sobra.. pero pagod na ako Xander kaya wala na akong dahilan pa para mahalin ko pa siya.

"Xander! " tawag ko at tinapik ko siya sa pisngi na naging dahilan ng pagmulat ng mata niya.

Gulat siya nakatingin sa akin habang ako ay walang ekspresyon na nakatingin sa kanya.

Ayaw kong ipakita sa kanya na nag-aalala ako dahil alam kong magiging masaya siya kapag nasasaktan ako.

"Lasing ka ba?" gulat kong tanong dahil napansin ko din na pati mukha niya ay namumula.

Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip umayos siya ng upo at kinuha niya lang ang phone niya at nag-laro ng COC. Really? Sa harapan ko pa mismo?

Umaarte lang ba siya para makita akong katawa-tawa habang hindi magkanda-ugagang nag-aalala sa kanya.

In short, wala talaga siyang pakealam sa akin. Kaya Avery, tumigil kana sa kahibangan mo kasi kahit na ano ang mangyari never siya na magkakaroon ng pakealam sa'yo.

"Hindi ko alam kung bakit kita minahal, " bigla kong at napansin ko na natigilan siya habang seryoso ang tingin niya sa akin.

Ginawa mo akong ganito, sinaktan mo ako. Kaya feeling ko pati ugali ko nagbabago na rin ng dahil sayo.

"Does it matter?" tanong niya habang nakataas ang sulok ng labi niya.

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang sampalin ngayon dahil sa sinabi niya. Avery, bakit siya pa ang minahal mo?

Bakit mo minahal ang isang lalaki na bato ang puso.. na ubod ng selfish at walang pakealam sa kahit na sino.

"You're so selfish!" inis kong sabi habang pinipigilan ko na tumulo ang luha ko.

Naiinis ako, bakit ba ganito? Nangako ako na hindi ko na siya iiyakan. Pero eto ako ngayon, humahapdi na ang mata huwag lang tumulo ang luha ko.

Hangga't kaya ko ay pipigilan ko na huwag tumulo ang luha maski na isang isan butil ng luha.

Hindi ako papayag na makita niya ulit akong umiiyak sa harapan niya. Dahil ako talaga ang lumalabas na kawawa.

Sobrang hindi ko dahil lahat ng bagay ay iniiyakan ko kahit na napakasimple pang bagay.

"You said you love me," seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mata ko.

Hindi ko magawang iiwas ang mata ko dahil parang hipnotismo ang mata niya na hindi mo kayang iwasan.

Anong ginagawa mo sa akin Xander? Hindi pa ba sapat na sinaktan mo na ako?

"Oo, mahal kita Xander. I broke my own heart because of loving you," tugon ko at tumingala ako para pigilan ang luhang gustong pumatak sa mata ko.

Hind ako palamurang tao pero Fvck you tears. Please, makisama ka naman kahit ngayon lang.

Nanakit na ang mata ko at lalamunan dahil pinipigilan ko na huwag tumulo ang luha ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon