Chapter 6: Hurt </3

83.6K 2.7K 340
                                    

Chapter 6

HALOS lahat ng madadaanan namin ay gulat na gulat nang makitang buhat ako ngayon ni Xander. Maging ako din namam ay gulat pa din sa ginawa niyang pagtulong sa akin na hindi ko naman inaasahan.

Nakakaramdam ako ng konsensya  dahil umalis siya sa laro nila para lamang sa akin at paniguradong may parusang nag-iintay sa kanya dahil sa pag alis niya sa kanilang laro na hindi pa naman tapos.

Nakasuot parin siya ng pang varsity kaya kitang kita ko ang maputi niyang balat at hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag tumitig sa kanya.

Ang gwapo niya talaga at mababakas sa mukha niya ang pagkakunot ng noo niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa mukha niya. Totoo ba talaga 'to? Buhat niya ako ngayon dahil ang alam ko wala siyang pakealam sa akin.

Huwag ka masyadong assuming Avery dahil masasaktan ka lang.

"Ano ang nangyari sa kanya?" agad na salubong ng isang Nurse sa loob ng clinic ng makapasok kaming dalawa habang buhat niya parin ako.

"She got a littler scar,"  aniya sa Nurse habang ako naman ay hindi inaalis ang titig sa kanya.

"Sandali lang dahil kukuhanin ko lang ang medicine kit para magamot ko siya," sabi ng Nurse at nagmadali para kuhanin ang medicine kit na siguradong igagamot sa akin.

Dahan dahan niya akong nilapag sa kama at pinagmasdan ang konting sugat ko sa binti. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng hawakan niya ang sugat ko.

"Troublemaker," naiiling niyang sabi habang nanatili ang tingin niya sa maliit na sugat ko.

Gusto kong tanungin kung bakit ganito ang trato niya sa akin ngayon. Gusto kong tanungin kung nag aalala ba siya para sa akin.

Pero natatakot ako na baka ang isagot niya ay dahil naaawa lang siya sa akin kaya niya ginagawa ang bagay na 'to.

"Pwede ka ng bumalik sa laban mo Mr. Cortwar dahil ako na ang bahala sa kanya." sabi ng Nurse sa kanya habang dala niya na ang medicine kit.

"Ako ang gagamot sa kanya." aniya at kinuha niya sa Nurse ang medicine kit.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Totoo ba ang narinig ko? Gagamutin niya talaga ako?

Pwede bang pati ang puso ko ay gamutin niya. Masyado na kasing sugatan at konting konti nalang ay bibigay na dahil sa sobrang sakit ng nararandaman.

"Hindi pwede, responsibilidad ko'to kaya ako na ang gagamot sa kanya. Bumalik kana sa laro mo." masungit na sabi ng Nurse kaya biglang napakamot sa batok si Xander at halatang naiinis na siya.

"Fvck! She's my responsibility." inis niyang sabi sa Nurse.

Halos lumawa na ang mata ko at muntik ng pasukan ng langaw ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

Bakit ganito? Kahit nasasaktan ako ng dahil sa kanya ng marinig ko lang ang salitang 'yon naglaho lahat ang sakit na nararamdaman ko.

"Alright! Gagamutin mo lang siya at wala ng iba. Hay! Nakaka stress sa bangs ang mga kabataan ngayon. Papanuodin ko kayong dalawa at baka gawin niyo din ang ginawa ng kulokoy na si Yvan kasama ang bago niyang girlfriend at nandidiri talaga ako sa tuwing naaalala ko 'yon." nakangiwi niyang sabi habang halata sa mukha niya ang pandidiri.

Biglang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Sa tingin ba niya gagawin namin ang bagay na 'yon?

Napansin kong hinawakan ni Xander ang tenga niya. Napangiti ako dahil hobby niya talagang gawin 'yon simula pa no'ng bata pa kami.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon