Chapter 13: Sorry :(

77.3K 2.2K 235
                                    

Chapter 13

Bumuntong hininga ako at muli ko siyang sinundan. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin at mas lalong hindi ako sanay na nilalayuan niya ako at sobrang nalulungkot ako ngayon dahil sa pag-iwas niya sa akin.

Alam kong may nagawa ako na hindi niya nagustuhan kaya siguro nilalayuan niya ako. Knowing Caleb, kapag nagalit siya hindi ka niya talaga kakausapin.

"Sorry na," malambing kong saad habang sa ibang direksyon naman siya nakatingin.

Umupo ako sa tabi niya kaya mabilis naman siyang tumayo galing sa kanyang pagkakaupo sa couch at umupo siya sa gilid ng pool.

Nndito ako ngayon sa kanila at hindi ako nag dalawang isip na sundan siya kanina. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya may kasalanan man ako o wala. Alam kong nagtatampo siya sa akin kasi ilang beses na niya ako nasabihan na nalayuan ko si Xander pero matigas ang ulo ko.

Napaihip nalang ako sa hangin at naisipan ko nalang na pumunta sa kitchen. Inilabas ko lahat ng mga tools at ingredients na gagamitin ko para sa pagluluto.

Sa tuwing wala siya sa mood ay palagi ko siyang ipinagluluto ng spaghetti. Isa 'to sa paborito niya na talaga naman na hindi niya matatanggihan. Si Caleb makakain lamang ng spaghetti sobrang saya na.

Habang ginagawa ko ang sauce ng spaghetti hindi ko mapigilang pamulahan ng mukha ng maalala ko 'yong nangyari kanina sa amin kanina ni Xander habang magkasama kaming dalawa.

Totoo ba talaga na nangyari ang bagay na 'yon? Baka isa lamang 'yon sa aking imahinasyon. Pero hindi, kasi hanggang ngayon ramdam ko parin ang lambot ng labi niya sa labi ko.

Posible ba talagang magustuhan niya ako. Parang lumundag ang puso ko sa mga iniisip ko. Ngayon lang naging ganito kasaya ang puso ko, na para bang unti unti ng nabubuo ng dahil din kay Xander.

"Ate Avery! " rinig kong tawag sa'kin ni Baby Scarlet at napangiti ako ng niyugyog ni Baby Scarlet ang laylayan ng damit ko para mapansin ko siya.

Lumuhod ako para mapantayan ko siya. Hindi na nakakapagtaka dahil kamukhang kamukha talaga siya ng kambal. Kahit na bata palang si Baby Scarlet ay litaw na ang kanyang kagandahan. Maging lahi ba naman ng Cortwar.

Siggurado ako na paglaki ni Baby Scarlet ay madaming lalaki ang magkakagusto sa kanya.

"Si Kuya Caleb po parang timang," nakanguso niyang wika.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang hindi siya tatlong taon dahil sa pananalita niya. Sobrang straight na at minsan ay may pagkamaldita pero kahit ganun mabait siya.

Siguro kay Tita Xandra siya nagmana dahil ang kwento sa akin ni Mom na sobrang maldita daw si Tita Xandra noon at sobra daw nitong bipolar. Si Tita Xandra daw ang nag-iisang babae na kilala niyang kahit na sino ay kaya malditahan lalo na ang kanyang kapatid na si Tita Yvette.

"Why naman baby?" tanong ko sa kanya kasabay ng paghaplos ko sa matambok niyang pisngi.

"Sabi niya po na lalayas na daw siya at doon daw po siya pupunta sa kwarto niya kung sakali daw po na may maghanap sa kanya," nakanguso niyang tugon.

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi niya. Kahit kelan talaga hindi ako binigo ni Caleb na mapatawa ako.

Sobrang thankful ako na naging parte siya ng buhay ko. Gagawin ko ang lahat huwag lang masira ang friendship naming dalawa na nagsimula pa noong mga bata pa kami.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ko si Baby Scarlet na ninanamnam ang niluto kong sphagetti. Masasabi ko lang na mas madami ang pagkakatulad ni Caleb at Baby Scarlet kaysa kay Xander.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon