Chapter 47: Couple

59.7K 1.7K 92
                                    

Chapter 47

Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino 'yon kaya kaagad kong tinakpan ang bibig ko dahil baka may bad breath ako gayong babagong gising palang ako

"Good morning sa pinakamamahal kong girlfriend." nakangiti niyang bati habang ako ay nanlalaki parin ang mata dahil sa gulat na nandito siya sa loob ng kwarto ko.

"W-what are you doing here?" gulat kong tanong habang nakatakip parin sa bibig ko ang palad ko.

"Let's have a date, baby." sabi niya na ikinapula ng mukha ko.

Hindi ko parin talaga maiwasang kiligin sa tuwing kasama ko siya. Hindi namin namalayan na bukas na pala ang graduation namin bilang highschool.

Excited na kaming gumaraduate pero at the same time ay nakakaramdam kami ng lungkot dahil aalis na kami ng Murphy High kung saan gumawa kami ng napakaraming memorya.

Sa hallway kung saan palagi kong nakakasalubong si Xander pero nilalampasan niya lang ako. Sa canteen kung saan palagi ko siyang binibigyan ng lunch pero sinasayang niya lang.

Sa rooftop kung saan niya ipinamukha sa akin na wala lang ako sa para kanya at sa secret place nila kung saan siya umamin na mahal niya ako.

Kahit masakit dadalhin ko ang ala-alang 'yon hanggang sa pagtanda ko. Ang alam ko palagi nalang akong masasaktan ng dahil sa kanya pero nagkakamali ako dahil pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

About sa pag-kiss naman sa akin ni Caleb syempre nagulat ako. Hindi ko akalain na magagawa niya 'yon sa harapan mismo ng kakambal niya na boyfriend ko.

Noong araw na 'yon hindi niya talaga tinantanan si Caleb. Maging ako ay walang nagawa ng suntukin niya si Caleb.

Sa tuwing makakasalubong ko siya nararamdaman kong iniiwsan niya ako. Gusto ko siyang kausapin pero sa tuwing lalapit ako kay Caleb pinipigilan ako ni Xander.

"Hey!"

Nagising ang diwa ko ng pitikin ni Xander ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin ng bigla siyang ngumuso.

Iniwas ko ang tingin ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na pisilin ang magkabila niyang pisngi. Bakit kasi ang napaka-gwapo niya tuwing naka-pout siya.

"Where's my good morning kiss?" tanong niya habang nakakunot ang kanya noo at niyakap ang malaki kong teddy bear ko.

He's so cute.... Gosh!!

"Wala." sabi ko at muli akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot dah nakakahiya ang itsura ko na bagong gising.

"Fine! Baby Xavery, where's my kiss?" rinig kong sabi niya ng biglang tumahol si Baby Xavery.

Sumilip ako sa kanya na ngayon ay kalong niya na sa lap si Baby Xavery habang nilalaro 'to. I can't help myself but to smile while staring at them.

"I love your mommy." nakangiti niyang sabi at hinaplos niya ang balahibo ni Baby Xavery.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya at umupo ako sa tabi niya habang hinaplos ko rin si Baby Xavery.

"Baby Xavery, pasabi sa Daddy mo na mahal na mahal ko siya." nakangiti kong wika at tumingin kay Xander na ngayon ay nakangiting nakatitig sa akin.

*arf* *arf* *arf*

Tahol ni Baby Xavery at bigla siyang tumalon sa kama ko at pumunta sa ilalim ng kama at makalipas ng ilang  segundo bumalik siyang may tangay na isang maliit na sobre.

Nanlaki ang mata ko at akmang kukunin ko ang maliit na sobre na tangay ni Baby Xavery ng mabilis namang nakuha ni Xander.

"Dear Xander." nakangisi niyang sabi ng mabasa yung nakasulat sa likod ng sobre at ng ilang segundo ay binuksan niya ang sobre at kinuha yung isang papel na nasa loob.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon