SPECIAL CHAPTER 2

76.6K 1.7K 263
                                    

SPECIAL CHAPTER 2

"What's up?" tanong ni Kaye habang pinagmamasdan ang kambal niyang kalaro ngayon ni Baby Sophia.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang tatlo. Parang bumabalik sa ala-ala ko noong mga bata pa kaming tatlo nina Caleb at Xander na hindi mabubura sa isipan ko.

"Hindi ko akalain na mangyayari 'to." nakangiti kong wika habang nanatili parin ang mata ko sa tatlo.

"Sabi nga nila, expect the unexpected. May mga bagay talaga na hindi mo aakalaing mangyayari at may mga bagay naman na gusto mong mangyari pero hindi naman magkatotoo."

I'm so blessed dahil nagkaroon ako ng masayang pamilya kasama si Xander. Never ko talagang na-imagine na mangyayari ang bagay na'to. Kulang ang salitang sobra sa sayang nararamdaman ko ngayon.

"Alam mo may maganda ding bunga ang pagiging tanga mo ano?" pang-aasar niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingkin.

"Kung hindi ako nagpakatanga sa kanya malamang wala siya ngayon sa piling ko." seryoso kong sabi sa kanya ng pitikin niya ang noo ko.

"Kahit naman hindi ka nagpakatanga sa kanya kung kayo ang nakalaan sa isa't-isa, kayo talaga." sabi niya at nilabas niya ang phone niya galing sa bulsa niya at kinuhanan ng litrato ang tatlo.

"Natatakot ako." sabi ko habang nakamasid ako sa tatlo na ngayon ay naghahabulan sa garden.

"Ano ang kinakatakot mo?" kunot-noo niyang tanong habang patuloy na kinukuhan ng litrato ang tatlo.

"Paano kung mangyari sa anak ko ang nangyari sa akin? Paano kung mahalin niya ang isa sa kambal tapos masasaktan lang siya katulad ko. Paano kung gabi-gabi marinig ko siyang umiiyak tapos sasabihin niya sa akin na okay lang siya. Alam kong naging ganyan ako n'on pero hindi ko maiwasang matakot dahil ayaw kong nasasaktan ang anak ko."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko kasabay ng paghinga niya ng malalim. Tumitig siya sa mata ko at umiling na para bang ang ibig sabihin ay hindi mangyayari ang bagay na 'yon.

"Bakit mo ba iniisip ang bagay na 'yan? Yes, wala tayong alam kung mauulit ang mga nangyari sa inyo ni Xander. Nalampasan mo nga ang lahat ng sakit ng nararamdaman mo kaya alam kong makakayanan din 'yan ng anak mo kung sakaling mangyari ang bagay na 'yon." aniya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Kung mangyayari man ang bagay na 'yon wala na tayong magagawa."

Tumingin ulit ako sa direksyong kung saan naglalaro ang tatlo ng mapansin kong nakaupo lang sa ilalim ng puno si Francis habang nagbabasa ng libro.

Napansin kong tumakbo papalapit sa kanya ang anak ko ng biglang takpan ni Francis ang mukha niya ng libro kaya napasimangot ang anak ko.

Tumingin naman ako sa direksyon kung nasaan si Michael at napansin kong malungkot ang mukha niya habang nakatingin sa anak ko at kay Francis na nakaupo sa ilalim ng puno.

Si Michael ay maihahalintulad ko kay Caleb dahil sobra talaga siyang masiyahin at grabe siya mag-alala sa anak ko at sobrang close nilang dalawa na para bang kami lang dalawa ni Caleb.

Samantalang si Francis naman ay pwede kong ihalintulad kay Xander. Hindi siya 'yong tipo ng bata na makikihalubilo sa iba dahil mas gugustuhin niya nalang na magbasa ng libro. Kung gaano ka suplado si Xander gan'on din ka-suplado si Francis.

My daughter Sophia Xavery, mabait siya sa lahat at masiyahin din siyang bata. 7 years old na siya katulad ng kambal dahil sabay naman silang tatlo ipinanganak.

Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ng anak ko. Ganun ba ako katulala para hindi mamalayang nakaalis na pala si Kaye kasama ang kanyang kambal niya.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon