Chapter 15: Sick

76.8K 2.2K 219
                                    

Chapter 15

Iniwas ko ang tingin ko kay Xander dahil napansin ko agad na pagkapasok niya palang ng classroom namin ay sa'kin agad siya nakatingin.

Hindi ko mabasa ang bawat tingin niya dahil wala talagang mababasang ekspresyon sa mata niya. Siguro galit siya sa akin dahil iniwan ko siya kahapon na hindi niya inaasahan.

Noong iniwan ko si Xander kahapon aamin ko na hinihintay ko siya na sundan ako. Pero nag expect lang ako sa wala. Kilala niyo naman siya diba, dahil wala talaga siyang pakealam sa akin. Masakit man pero tanggap ko.

Nakakapanibago dahil ngayong araw na 'to lamang hindi kami nagkasabay ni Caleb sa pagpasok. Naikwento din sa akin ni Mindy na lilipat na daw siya dito sa Murphy High kasi maganda daw ang turo dito kahit na sobrang mahal ng tuition.

Siguro sinundo niya si Mindy sapagkat hindi pa ga'nong kabisado ni Mindy ang school na'to at baka maligaw pa siya dahil sa sobrang lawak ng school na na'to.

Maging ako nga ay minsan at naliligaw pa din kahit na matagal na akong pumapasok dito. Hindi basta ang makapasok sa Murphy High kasi ang tuition ay nagkakahalaga ng 1M kada isang estudyante. Kahit naman mahal ang tuition dito madami pa din pumapasok kasi professional ang mga teacher na nagtuturo dito.

"Gurl.. " rinig kong sabi ni Kaye habang nakangiti siyang umupo sa tabi ko.

Wala pa naman si Caleb kaya malaya siyang nakakaupo sa tabi ko kung saan ang pwesto ni Caleb.

Isa din sa ugali ni Caleb ay ayaw niyang may umuupo sa upuan niya. Kaya nga walang may gustong umupo sa upuan niya maliban na lang kay Kaye dahil hindi siya takot kay Caleb at palagi niya pa 'tong binabara.

Masayahin naman si Caleb pero kapag ayaw niya sa isang tao nagiging masungit siya. Hindi ko nga alam kung bakit naiinis siya kay Kaye. Wala naman siyang gusto dito.

"Niyaya ako ni Xavier na mag dinner mamaya. Sasama kaba sa amin?" kinikilig niyang tanong  habang kagat niya ang ibaba niyang labi dahil sa kilig.

"Oo naman," sagot ko at para naman siyang nanalo sa lotto dahil sa pagpayag ko.

Inaasahan niya siguro na hindi ako sasama kasi kill joy daw ako kaya sobrang saya niya kasi sasama ako.

Unang tingin ko palang naman kay Xavier alam kong mapagkakatiwalaan na siyang tao.

"Pero huwag mo sasabihin kay Caleb dahil siguradong bibigwasan ako ng lalaking 'yon kapag nalaman niya. Kilala mo naman ang lalaking 'yon diba? Napaka over protective lalo na pagdating sa'yo na kahit ako na kaibigan mo ay ayaw niyang kasama mo, " bulong niya na ikinatawa ko.

"Oo naman, hindi ko sasabihin," natatawa kong tugon at tinakpan ko din ang bibig ko kaya natawa din siya.

May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin ang isang pilas na papel na kaagad ko namang binasa.

"Hi Avery, I'm Xavier Muñoz and I'm your cousin," nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

Kaya pala parang ang gaan ng loob ko sa kanya nang nakita ko siya dahil pinsan ko pala siya ng hindi ko alam.

"Pinsan mo pala siya at kung hindi lang sumulpot ang lalaking 'yon na may pusong bato malamang nilibre niya sana tayo ng pagkain. Ang gwapo ng pinsan mo gurl. Sana siya na ang destiny ko, " kinikilig niyang saad habang namumula na ang kanyang pisngi dahil sa kilig.

"Baliw!" natatawa kong wika at tinago ang papel sa bulsa ko.

Hanggang ngayon ay wala parin si Sir. Lontoc na teacher namin sa english. Kapag hindi pa dumating si Sir, Lontoc ng mahigit na 10 minuto ang ibig sabihin nun ay wala na kaming klase sa kanya.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon