Chapter 41: Official

62.7K 1.7K 227
                                    

Avery's POV

Nanlaki ang mata nina Tita Xandra nang makitang magkahawak ang kamay namin ni Xander, lalo na nang napagtanto niya na sa kwarto kami lumabas.

Biglang namula ang mukha ko sa nararamdamang hiya. Sino ba naman kasi hindi mahihiya kung galing kayong dalawa sa isang kwarto ng kayo lang.

Naramdaman kong pinisil ni Xander ang kamay ko. Sumilay ang ngiti sa labi niya na nakapagpagaan ng nararamdaman ko.

"Mom..."

Palipat-lipat pa rin ang tungin nito sa aming dalawa ni Xander.  Tumingin ako sa pwesto ni Caleb na ngayon ay nakahiga sa sofa habang ang lapad ng ngisi.

Samantalang si Tito Drew naman ay nakangising nakatingin sa aming dalawa.

Hindi ko pa rin talaga mapigilang makaramdam ng kaba kahit na matagal na naman akong napunta rito simula pa noong bata pa kaming tatlo pero iba ngayon.

Dahil may relasyon na kami ng anak nila at natatakot ako na baka maging iba ang tingin nila sa akin.

"I want you to meet my girlfriend."

Bigla n'ya akong inakbayan na ikinapula ng mukha ko.

"W-What?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita Xandra kaya napayuko ako.

Sinasabi ko na nga ba't ayaw sa akin ni Tita Xandra para kay Xander.

"You heard it Love, our sons have a girlfriend." rinig kong sabi ni Tito Drew at lumapit kay Tita Xandra na nanlalaki parin ang mata.

Sons? With 'S' ibig sabihin talagang si Mindy at Caleb na? Sobrang saya ko para sa kanilang dalawa lalo na kay Caleb dahil nahanap na niya ang babaeng para talaga sa kanya.

"Really? Kayo na talaga? at talagang sa kwarto muna kayo dumiretso bago nagpakilala," nang-aasar na sabi ni Caleb.

"Don't mind him, he's just teasing us," bulong ni Xander kaya tumango ako at sinamaan ko ng tingin si Caleb samantalang kinindatan niya lang ako.

Alam kong siya ang nagdala sa akin sa loob ng kwarto ni Xander. Bakit niya kaya ginawa ang bagay na 'yon? Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kung hindi niya ginawa 'yon malamang nagsasakitan pa rin kami ni Xander.

"Kailan pa?" taas kilay na tanong ni Tita Xandra kay Xander.

"Tita, sorry po," nakayuko kong sabi dahil feeling ko talaga ayaw sakin ni Tita Xandra para kay Xander.

"Mommy, just call me Mommy Xandra." tumunghay ako at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Tita Xandra.

Lumapit sa amin si Tita Xandra at niyakap ako. Napangiti ako at ginantihan ko ng yakap si Tit-- Mommy ng maramdaman ko ang umbok na tiyan niya.

Medyo malaki na ang tiyan ni Mommy Xandra dahil nasa tatlong buwan narin.

Lumapit sa amin si Tito Drew at tinapik ang balikat ni Xander. Hindi na nakakapagtaka kung bakit gwapo ang kambal dahil maganda si Tita Xandra at ang gwapo naman ni Tito Drew.

"Daddy Drew." nakangiting sabi ni Tit-- Daddy Drew at ginulo ang buhok ko.

"S-sige po, Mommy Xandra and Daddy Drew." nahihiya kong sabi sa kanila at sasanayin ko na ang sarili ko na huwag silang tawagin na tita.

"ATE AVERY!"

Napangiti ako at sinalubong ko ng yakap si Baby Scarlet. Na-miss ko talaga ang batang 'to. Minsan ko nalang kasi siya napupuntahan dito at kung minsan naman ay wala siya dito kasi napasok. Mabuti nalang talaga dahil hindi siya nagtatampo sa akin.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon