Chapter 49: TOD

62.8K 1.7K 539
                                    

Avery's POV

Akmang lalakad na ako ng biglang may humawak sa braso ko para pigilan ako. Pinilit kong ngumiti pero wala e, kusang tumulo ang luha ko ng bigla kong maramdaman ang yakap niya.

"B-bakit ganun?" nahihirapan kong sabi habang patuloy ang pagtulo ng luha ko.

"I want him permenently, not temporary." muli kong sabi at hinawakan ko ang damit niya at pinisil ko 'yon habang nakasub-sob ang mukha ko sa dibdib ni Luke.

Hindi siya umimik sa halip hinaplos niya ang likod ko para patahanin ako pero mas lalo akong naiyak dahil ang sakit talaga. Ang sakit lang na pinaramdaman niya na special ako kahapon tapos parang balewala lang ako sa kanya ngayon.

"Gusto kitang agawin sa kanya, pero hindi na pwede." malungkot niyang wika at hinawakan ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya.

"Hindi na pwede dahil kahit ano pa ang gawin ko para makuha ka mula sa kanya kahit na sinasaktan ka niya alam kong siya parin ang pipiliin mo." He said with a smile... fake smile.

"I-im sorry"

Ngumiti lang siya at muling pinunasan ang luha ko. Kumuha siya ng isang baso na may lamang tubig at binigay niya sa akin 'yon na kaagad ko naman tinanggap dahil nauuhaw na ako.

"Gago siya pero alam kong mahal ka niya."

Iniwas ko ang tingin ko dahil sa sinahi niya.? Mahal? Baka naman naawa lang siya sa akin kaya pinaglaruan niya ang feelings ko. Masakit man aminin pero 'yon ang totoo.

"Hindi siya marunong magmahal." wika ko at nagsimula ng maglakad habang tumutulo na naman ang luha ko. Mabuti nalang at hinayaan niya ako dahil gusto ko talagang mapag-isa.

Dahil alam kong nasa loob ng room na 'yon si Madiosn hindi ako doon nagtungo dahil ayaw ko siyang makita at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag mainis sa kanya. Akala ko okay na kami pero bakit ganito? Bakit mas mukha pa silang may relasyon ni Xander kaysa sa aming dalawa.

Pumasok ako sa isang kwarto at nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Umupo ako sa gilid ng kama at sinapo ko ang mukha ko para ibuhos ang lahat ng luhang gustong pumatak sa mata ko.

"I hate you Xander, I hate you, I hate you." paulit-ulit kong sabi habang patuloy parin ako sa pag-iyak.

Mas lalong bumuhos ang luha ko ng maaalala ko 'yong mga salitang binibitiwan niya. Nangako siya na hindi na muli akong luluha ng dahil sa kanya pero bakit ganito? Bakit sinasaktan na naman niya ako.

Humiga ako sa ibabaw ng kama at sinubsob ko ang mukh ko sa malambot na unan at pinikit ko ang mata ko.

"Hindi ako alam na habang kinikilig ako ginagago na pala ako." Bulong ko at mapait na ngumiti ng bumagsak na naman ang luha ko.

May iba na siya Avery, May iba na siya..

"A-ang sakit sakit" bulong ko habang hinahampas ko ang dibdib ko habang tumataas baba ang balikat ko dahil sa pag-iyak ko.

Dapat hindi nalang ako naniwala na mahal niya ako kung sasaktan niya lang rin ako.

Tumayo ako para maghanap ng masusuot dahil nilalamig na ako. Hindi nga ako nagkamali dahil may nakita ako sa loob ng aparador na masusuot kaya mabilis akong nagpalit dahil baka magkasakit pa ako.

Muli akong humiga sa kama at pinikit ang mata ko dahil pagod na pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na akong mahalin siya. Pagod na pagod na akong magpakatanga ng dahil sa kanya. Pagod na pagod na akong masaktan.

"Sa oras na magising ako, kakalimutan ko na ang nararamdam ko para sayo Xander."

-

Nagising ako ng maramdaman kong kumalam ang tiyan ko ng bigla kong maaalala na tanghalian lang pala kanina ang huli kong kain kaya siguro nagwawala na ang mga bituka sa tyan ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon