Chapter 12: When the blue sky turns dark

76.2K 2.3K 221
                                    

Chapter 12

"X-xander."

Hindi niya ako pinansin dahil patuloy lamang siya sa paghila sa akin. Simula nang mangyari 'yong kanina hindi na ako hiniwalayan ni Caleb kahit na pumunta ako ng cr.

Mabuti na nga lang at pinayagan niya akong mag isa na pumunta sa cr dahil gusto ko lang ibuhos sa lugar na 'yon ang luha ko na gustong-gusto ng umagos mula sa mata ko pero pinipigilan ko lang dahil ayaw kong makita ako ni Caleb na nagkakaganito.

"Sh*t" rinig kong mura niya kaya kaagad niya akong hinila papunta sa locker room at sinara niya agad ang pinto.

Siguro may estudyanteng nakakita sa aming dalawa na magkasama kaya dito niya ako dinala.

"A-anong gagawin natin dito?" naguguluhan kong tanong habang nakaiwas ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya dahil nasasaktan lamang ako.

Sobra akong nasaktan ng dineny niya ang nangyari. Hindi naman siguro isang panaginip lamang ang nangyari 'yon dahil gising na gising ang diwa ko no'ng nangyaring 'yon.

Hindi niya ako sinagot dahil umupo siya sa sahig at sumandal sa locker. Bakit niya ako dinala dito? Para ano?

Ipamukha sa akin na wala talaga siyang pakealam sa akin kahit na magkasama lang kaming dalawa.

Isa lang ba talaga akong basura na kahit natatapakan na niya hindi parin pinapansin dahil wala talaga siyang pakealam.

"A-alis na ako dahil hinihintay na ako ni Caleb." sabi ko sa kanya at akmang bubuksan ko na ang pinto ng maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

Gulat akong tumingin sa kanya kaya nagsalubong ang mata naming dalawa. Hindi ko mabasa ang mata niya dahil napaka lamig ng tingin na pinupukol niya sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko ng hawakan niya ang braso ko.

Napaka lakas talaga ng epekto niya sa akin. Sa tuwing hinahawakan niya ako nanghihina ako na para bang kaunting hawak niya lang sa akin ay babagsak na ako sa sahig.

"Stay." malamig na tono niyang sabi kaya natigilan ako.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng sabihin niya yung apat na letrang 'yon. Akala ko ayaw niya akong makasama pero gusto niya akong huwag umalis.

Inalis niya ang pagkakahawak sa braso ko at muling umupo sa pwesto niya kanina.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya umupo ako sa sahig na malayo sa kanya.

Don't tell me! Sinama niya ako dito para lang panuodin ko siyang matulog. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil malaya kong natititigan ang gwapo niyang mukha.

"Stop staring at me, it's rude" aniya kasabay ng pagmulat ng mata niya habang seryoso siya nakatingin sa akin.

Pinamulahan ako ng mukha dahil nahihiya ako sa sarili. Akala ko pa naman natutulog na siya 'yon pala gising pa pala siya.

Bigla kong naalala ang kwintas na nakita ko kaya Baby Xavery. Kaagad kong kinuha 'to sa loob ng bag ko at tinitigan ang kwintas na 'to.

Ewan ko ba kung bakit bumibilis ang kabog ng dibdib ko sa tuwing tinititigan ko ang kwintas na 'to.. na para bang bigay 'to ng mahal ko pero imposible naman na bigay 'to sa akin ni Xander.

"Uhh- kilala mo ba kung sino ang may ari ng kwintas na 'to?" tanong ko sa kanya samantalang siya at walang emosyon na nakatingin lamang sa akin.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa kung nasaan ako at umupo sa tabi ko. Kinuha niya yung kwintas na hawak ko.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon