Chapter 26: Sticky note..

67.6K 2.3K 541
                                    

Chapter 26

Napayuko ako nang mapansin ko na nakatitig sa akin si Mom. Samantalang si Dad naman ay sinusubuan si Jerome habang ako ay patuloy lamang sa pagsubo ng pagkain.

"Hezekiah Avery, let's talk."

Natigilan ako ng biglang nagsalita si Mom. She's mad, but why? Pansin ko din na kumunot ang noo ni Dad na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Mom habang si Mom naman ay nagpunas ng bibig pagkatapos tumayo siya at dumiretso sa pool area.

Tumayo ako at sinundan ko si Mom. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba ng seryoso niya akong titigan.

"I heard you lastnight."

Tahimik akong umupo sa tabi niya at nilubog ko ang paa ko sa pool.

"I'm sorry Mom" wika ko habang nakayuko ng bigla kong naramdaman na hinaplos niya ang likod ko. Nakakahiya dahil narinig niya akong umiyak kagabi.

"Bakit lahat ng pinagdaanan ko noon nararanasan mo ngayon" malungkot na wika ni Mom.

"Alam mo ba na walang gabi na hindi ako umiiyak dahil sa Daddy mo. Paano kasi 'yanh Daddy mo bukod sa masungit, masakit pa magsalita. Noong una nga ayaw ako ng Daddy mo e. Napaka-iyakin ko daw at palagi nalang daw ako nakasunod sa kanya. Eto naman ako naniniwala sa kasabihang Follow your dreams. I always chasing him because he's one of my dreams. Dumating sa punto na napagod din ako dahil masyadong pabebe ang Daddy mo nung araw na 'yon. Tapos nung may nakilala naman akong isang lalaki ng ubod ng bait tsaka naman umamin ang Daddy mong pabebe. Mahal niya daw ako, syempre ako naman itong pabebe kaya pinahirapan ko siya. Pero hindi ko natiis kaya pumayag ako na ligawan niya ako. Bigla namang sumingit ang Lolo't Lola mo. Gusto nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Syempre anak ang una kong nilapitan ay ang Tita Alexandra mo. Kung mahal ko daw ang Daddy mo dapat ipaglaban ko siya. Para akong sumabak sa gera para lang maipaglaban ang Daddy mo sa magulang ko. Ginawa ko lahat at dumating nga sa point na naisip ko na magpabuntis nalang kaya ako para huwag matuloy 'yong letcheng kasal na 'yan. Ang hindi ko alam habang nagmumok-mok ako sa loob ng kwarto ko matapang na hinarap ng Daddy mo ang Lolo't lola mo. I'm so happy that day, dahil sa sinabi at ginawa ng Daddy mo pumayag sila na ituloy ang relasyon namin" nakangiting wika ni Mom, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa tuwang nararamdaman ni Mom at proud na proud siya na ibahagi sa akin ang nangyari noon sa kanila.

"...alam mo ba na ang pinagawa ng Lolo mo sa Daddy mo? Pinakain ni Dad ng isang tasa ng sili ang Daddy mo. Syempre may pagkamayabang ang lalaking 'yun kaya walang tutol na kinain niya lahat ng sili pero dinala siya sa hospital dahil buong katawan niya ay namumula."

Hindi ko mapigilang matawa sa kinuwento ni Mom. Mahal na mahal talaga ni Dad si Mom dahil lahat gagawin niya kahit pa ang kumain ng isang tasa ng sili.

"Alam mo kasi anak, hindi porket sa isang tao lang umiikot ang mundo mo maaring siya na din ang makakatuluyan mo. What I mean is, iniisip mo na siya na talaga pero ang totoo pinagtagpo lang kayo pero hindi kayo nakatadhana."

Natigilan ako sa sinabi ni Mom at naramdaman ko nalang na niyakap niya ako. I'm so blessed because I have a mother like her.

"I love you mom" bulong ko at hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Anything for you baby" bulong niya at hinaplos ang buhok ko.

Gusto ko din maging matapang tulad nila ni Dad. Pinagtagpo pero hindi nakatadhana? Ako at si Xander. We're not destined to each other.

"ATE" nagtatakbong lumapit papunta sa amin si Jerome habang ang lapad ng ngiti niya.

"Yes bunso?" tanong ko at kinurot ang pisngi niya.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon