Chapter 16: He care..

76.4K 2.2K 280
                                    

Chapter 16

Mabuti nalang at napigilan ko sarili ko na huwag sapukin si Caleb kanina. Kung kailan kailangan siya ni Avery tsaka naman siya wala sa tabi nito.

Ilunod ko kaya sa muriatic acid ang Mindy na 'yon. Gosh! Naiinis ako sa babaeng 'yon at sigurado ako na hindi kami magkakasundo ng babaeng 'yon.

"Nasaan na ba kasi si Xander? " naiinip kong tanong sa manyak na Yvan na 'to.

Iniwan ko muna saglit si Avery kay Caleb. Alam ko naman na babantayan niya si Avery. Pero naiinis parin talaga ako dun sa kapreng hilaw na 'yon..

Mabuti na lang talaga at hindi niya kasama ang Mindy na 'yon kundi siya ang pagbubuntunan ko ng inis kay Caleb.

Mabuti na nga lang at walang kamanyakan na naiisip ang lalaking kasama ko ngayon. Seryoso lang ang mukha niya at kahit na may tumatawag sa kanyang mga babae hindi niya ito pinapansin.

"I don't know, " kibit balikat niyang tugon na animo'y tinatamad.

Napansin ko nang banggitin ko ang pangalan ni Xander, mabilis niyang ikinuyom ang kamao niya. Ang haba talaga ng hair ni Avery dahil halata naman na may gusto sa kanya si Yvan. Tapos kay Xander pa siya nagpapaka martyr. Hayy! Buhay parang life.

Bakit nga ba ako nagpapakahirap na hanapin si Xander. Syempre para alamin ko kung ano ang magiging reaction niya kapag sinabi kong nasa clinic si Avery na mayroong lagnat.

Mabuti na nga lang at bumaba na ang lagnat niya pero habang tulog siya palagi niyang binabanggit ang pangalan ni Xander.

Malakas talaga ang feel ko na may feelings si Xander kay Avery. Hindi niya lang pinapahalata. Alam kong may dahilan ang pananakit niya kay Avery. May hula na ako pero ayaw kong pangunahan. Gusto kong si Xander mismo ang magsabi.

Napatunayan ko bagay na 'yon noong arawa nasa mall kami. Imposible naman na coincidence na nandun din siya sa mall.

Ang alam ko hindi pumupunta ng mall si Xander dahil madaming tao. Aloof  talaga ang lalaking 'yon kaya mabuti nalang hindi kami close na dalawa kundi araw araw ko siyang babatukan dahil sa pananakit niya kay Avery.

Elementary palang kami binabalewala na niya si Avery. Hanga ako sa kaibigan ko dahil kahit na binabalewala, sinasaktan at pinapaiyak na siya ni Xander nagagawa niya parin ngumiti kahit na ang sakit na.

Ngumingiti siya na para bang wala lang at siguradong pag dating niya sa kanilang bahay do'n na niya ibubuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Nagpapasalamat talaga ako dahil nandyan si Caleb kahit na may pagka topakin. Minsan mabait sa akin minsan hindi. Para na ngang isang tunay na girlfriend ang trato ni Caleb kay Avery.

Bakit kaya hindi nalang si Caleb ang nagustuhan ni Avery kung kambal naman silang dalawa ni Xander.

Pareho ang kanilang mukha at ang pinagkaiba lang ay ang kanilang ugali. Kung tutuusin nga mas gusto ko pa ang ang ugali ni Caleb kaysa kay Xander na wala ng ginawa kundi manakit ng babae.

Sa kambal na Cortwar mas madaming nagkakagusto kay Xander. Kapag may balak kang magbigay ng love letter sa kanya huwag mo nang gawin dahil sa harapan mo mismo pupunitin ang binigay mong love letter.

Kapag cake naman anh ibibigay niya syempre tatanggapin niya sabay tapon sa basurahan. See? He's rude, stone hearted.

Walang pakealam sa feelings ng iba. Mabuti pa si Sir. Drake na crush na crush ko kahit na may asawa't anak na. Kahit na ang sungit ni Sir. Drake mahal na mahal niya si Ma'am Alexandra. Pareho silang model kaya ang gwapo't maganda ang anak nila. Nakakainggit ang lahi nila..

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon