Chapter 45: Space

59.4K 1.6K 196
                                    

Chapter 45

Hindi nila maalis ang tingin sa aming dalawa ni Xander na ngayon ay magkahawak kamay. Para kaming isang kriminal dahil bawat galaw namin ay sinusundan nila.

Hindi ko rin naman sila masisisi kasi sobrang nakakulat talaga na makita kaming dalawa na nasa ganitong sitwasyon.

"Naiilang ako..."

Hinawakan n'ya ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Relax, I'm here baby." He smiled

Ang bilis ng araw dahil isang buwan na lang ga-graduate na kami ng highschool. Hindi ko manlang namalayan na lumipas na pala ang araw ng sobrang bilis.

Natatakot ako na baka may makilala siyang mas better sa akin. Natatakot ako na baka malaman ko nalang na hindi na niya ako mahal.

Napailing ako dahil sa iniisip ko, stop it Avery. Huwag kang mag-isip ng ganyan dahil sinasaktan mo lang ang sarili mo. Huwag kang mag overthink para saktan mo ang sarili mo.

Nang makarating kami ng classroom ay halos lahat sila ay natigilan ng makita kaming dalawa ni Xander na magkasama.

Mas lalo silang nagulat ng halikan ni Xander ang noo ko at nagpaalam sakin na pinapatawag sila ng Principal dahil kailangan nilang magpaliwanag tungkol sa hindi nila pagtuloy ng  performance nila.

Pagkaupo ko palang ng upuan ko bigla nalang umupo sa tabi ko si Kaye habang nanlalaki ang mata.

"Ano ang ibig sabihin nun?" gulat niyang tanong habang pinagdidikit ang magkabila niyang daliri na parang nagki-kiss.

"Kami na." namumula kong sabi habang kagat ko ang labi ko para pigilan ang aking kilig.

"REALLY? OMG!!!"

Natawa nalang ako sa reaksyon niya samantalang ang iba naman ay nanlaki ang mata dahil narinig nila na kami na.

"He's courting me." kinikilig niyang sabi habang namumula ang kanyang mukha.

"Who?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin at bigla siyang ngumuso.

"Edi sino pa, si Yvan!"

Ako naman ang nanlaki ang mata dahil sa sinabi niya. Seryoso? Nililigawan talaga siya ni Yvan?

Nasagot ang kasagutan ko ng bigla nalang mag-iritan ang mga kaklase naming babae dahil pumasok si Yvan at agad niyang hinanap kung nasaan si Kaye. Ang lapad ng ngiti ni Kaye at kumaway siya para mapansin siya ni Yvan.

Lumapit siya sa pwesto namin at sinalubungan niya ng halik sa pisngi si Kaye na ikinasinghap naming lahat.

"Hey!" bati niya sa akin at nginitian ako kaya nginitian ko din siya.

"Congrats dory." dugtong niya at ginulo ang buhok ko.

"Salamat." nakangiti kong wika at napatingin ako kay Kaye na ngayon ay ang sama ng tingin sa akin.

"Jealous." bulong ko ng sikuhin niya ako.

"What are you doing here?" mataray na tanong ni Kaye kay Yvan pero sa totoo kilig na kilig na ang gaga.

"I miss you." 

Napangiti si Kaye dahil sa sinabi ni Yvan. I'm happy dahil masaya ang bestfriend ko. Subukan lang talaga ni Yvan na saktan ang kaibigan ko hindi ko alam ang magagawa ko.

Tumingin ako sa pwesto ni Luke at lumungkot ang mukha ko ng mapansin na wala siya.

I know nasasaktan siya pero mas pinili niya parin ang ngumiti.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon