Chapter 9: Kwintas

79.5K 2.4K 504
                                    

Chapter 9

Nakatitig lang ako sa ulap habang nakalubog ang paa ko sa pool. Naramdaman kong may dumila sa braso ko at napangiti ako ng makita ko si Xavery. Siya 'yong puppy na nakita ni Xander kaya hindi na ako nagdalawang isip na iuwi siya kasi kawawa naman kapag iniwan ko 'to doon dahil paniguradong magugutom ang cute na puppy na 'to.

Wala naman sigurong masama kung 'yon ang ipangalan ko sa cute na asong 'to diba?. Ang cute kaya ng name dahil pinagsama ko ang name naming dalawa.

*Arf* *Arf*

"Hell baby Xavery, aalagaan kita at mamahalin tulad ng pagmamahal ko kay Xander. Huwag kang aalis sa tabi ko ha?" sabi ko sa kanya at hinaplos ko ang balahibo niya ng bigla siyang tumahol.

Iingatan ko siya at aalagaan at ang saya ko dahil sa akin niya pinagkatiwala si Xavery.

Pero hindi ko parin maiwasang magtaka na meron palang cute na puppy do'n sa lugar na 'yon dahil bawal ang anumang hayop sa loob ng school.

Kahit ganun nagpapasalamat ako dahil kasama ko ngayon si Xavery.

"Ate?" tawag sa akin ng kapatid ko ag  umupo siya sa tabi ko at tulad mo ay nilubog niya din ang paa niya sa pool.

"Yes bunso?" tanong ko sa kanya ng bigla siyang ngumuso.

Pinisil ko ang pisngi niya dahil ang cute ng kapatid ko. Siya si Jerome at 5 years old na siya.

Napaka gwapo ng kapatid ko at napakalambing at kahit na bata palang siya madami ng batang babae ang nagkakagusto sa kanya.

"Sabi ni Teacher kapag daw sobra ng nasasaktan ka sa isang tao dapat tumigil kana. Dahil ang mga babae daw po ay prinsesa at hindi sila sundalo."

Natigilan ako sa sinabi niya dahil kahit bata pa siya alam niyang mahal ko si Xander. Wala akong maitatago sa kanya dahil nagmana siya kay Dad.

Magaling siyang magbasa ng iniisip ng tao. Hindi ko alam kung bakit magaling siyang magbasa ng isip pero siguro isa 'yon sa talentong nakauha niya kay Daddy.

"I know Bunso, handa akong magpaka sundalo dahil mahal ko siya. Okay lang na huwag niya akong mahalin ang mahalaga payagan niya lang ako na mahalin ko siya. Diba ganun naman ang love, kailangan mong magpakatanga dahil mahal mo siya, " nakangiti kong wika habang sumeryoso naman ang mukha niya.

"Pero huwag naman sobra Ate dahil palagi kitang naririnig na umiiyak gabi gabi. Nasasaktan ako dahil nagkakaganyan ka ng dahil sa kanya. Yes! Bata pa po ako pero hindi ako mangmang na hindi alam tungkol sa pagmamahal. Diba Ate wish mo na makakakilala ka ng tulad ni Daddy. 'Yong tipo ng tao na handa kang ipaglaban at mahalin ng sobra. Hindi si Kuya Xander ang lalaking 'yon, hindi siya. Bakit hindi mo buksan ang puso mo sa iba. Merong nagmamahal sa'yo Ate. Meron! Pero hindi mo napapansin dahil nabulag ka sa kanya.. nabulag ka sa maling tao. Pareho kayong martyr, dahil nagpapaka martyr ka kay Kuya Xander samantalang siya nagpapaka martyr sayo. Palagi siyang nasa tabi mo Ate. Palagi Ate kahit nasasaktan na siya, " makahulugan niyang sabi habang may pag-aalala sa kanyang mukha.

Hindi ako makaimik dahil sa sinabi niya. Merong palihim na nagmamahal sa akin. Sino siya? Palagi siyang nasa tabi ko? Sino siya? Bakit hindi ko kilala?

Bakit hindi ko alam na may nagkakagusto sa akin. Dahil ba nabulag nga ako sa pagmamahal kaya hindi ko makita ang taong nagmamahal talaga sa akin. Sino siya?

"Nandito siya Ate, " aniya at tumayo na siya at iniwan akong naguguluhan.

Tumayo ako at akmang papasok na sa loob ng bahay ng may nakasalubong ako. Napanganga ako ng makilala siya.  Ano'ng ginagawa niya dito? Siya ba ang tinutukoy ni Bunso? Imposible!

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon